Chapter 43

190 9 1
                                    

Carl's POV

Hinihintay ko ngayon si Yumi na matapos ang meeting niya. Nandito ako sa loob ng office niya. Nagmamasid lang. Ang tagal naman ng meeting niya. Sa bagay, important kasi. Miss ko na siya.

Pumunta ako sa table niya at nakita ko 'yung picture namin 'nung pumunta kami sa Tagaytay.

'Yun yung time na sobrang lungkot niya dahil sa paghihiwalay nila ng ex niya. Yun din 'yung time na nainlove ako sa kanya.

Nag-iisip isip pa ako nang may narinig akong nagbukas ng pinto. Humarap ako at nakita ko si Yumi na nakangiti. Napangiti rin ako.

Her sweet smile makes me happy.

Masaya na ako basta masaya siya sa piling KO.

"Ready ka na?" Tanong ko kay Yumi.

Tumango lang siya at inayos niya 'yung gamit niya. Pumunta na kami ng parking lot at umalis na. Dumeretso kami sa isang restaurant na paborito namin para mag-early dinner.

"Here's your menu, Sir." Sabi nung waitress. Kinuha ko naman 'yun.

"Carl, pasta lang sa akin at iced tea." Sabi ni Yumi.

"Sure ka?" Tumango lang siya. Ang unti lang talaga ng kinakain niya kaya ang payat payat niya eh. Tsk.

Sinabi ko na sa waitress 'yung order namin at umalis na siya. Habang hinihintay namin 'yung order, nag-uusap lang kami.

"How's your modelling career?" Tanong ni Yumi.

"Okay lang naman. Madaming magagandang feedback sa amin. Madami na rin kaming fans."

Ngumiti lang siya.

"Try mo kaya. Pampaalis ng stress." Dagdag ko.

"No, its okay. Mas gusto ko pang magsketch ng new design clothes. Mas nag-eenjoy ako." Sabi niya at ngumiti na lang.

"Hindi ba nakakastress 'yang pagsketch mo? Lalo na kung kailangan ng new design at rush pa. Baka mamaya, napapabayaan mo na 'yang sarili mo." Tumingin ako sa kanya na nag-aalala. Hinawakan ko siya sa kamay niya. Mahirap na kapag hindi siya nakakakain sa tamang oras baka magkasakit siya.

"Don't worry. Hindi ko papabayaan ang sarili ko. Kaya ko naman. Ako pa. Trust me." Sabi niya at tumawa. Napatawa rin ako.

Dumating na ang order namin kaya kumain na kami. Nang matapos kaming kumain, dumeretso kami ng mall. Syempre gumala pa kami. Habang naglalakad kami, may nakita akong magandang necklace at nakasale 'yun.

"Yumi, dito ka lang, ha? May bibilhin lang ako. Saglit lang naman. Hintayin mo ko, ha?" Sabi ko sa kanya.

"Saglit ka lang, ah? Promise mo 'yan."

"Promise." Ginulo ko 'yung buhok niya bago ako umalis.

Pumasok ako dun sa tindahan.

"Sir, ano po ang hanap niyo?" Tanong 'nung saleslady.

"I want to buy that necklace. How much is that?" Tanong ko at itinuro ko 'yung necklace.

"That's 1,500 pesos, sir. Do you want to buy it, sir?" Tanong uli nung saleslady.

Tumango lang ako at binayaran ko na 'yung necklace. Nagmamadali akong umalis kasi baka naiinip na siya. Tinago ko muna sa likod ko 'yung necklace bago ako lumapit sa kanya. Nakita ko siya na minamasahe niya 'yung ulo niya. Masama kaya ang pakiramdam niya?

Lumapit na ako sa kanya. "Hey, are you okay?" Tanong ko at lumuhod sa harap niya. Hinawakan ko ang chin niya at itinaas iyon. Tumingin lang siya sa'kin at ngumiti. "I'm fine."

Umupo ako sa bench. "Talikod ka." Utos ko sa kanya. Tumalikod naman siya. Nilabas ko 'yung necklace at isinuot ko 'yun sa kanya.

"Para saan 'to?" Tanong niya sa akin at humarap siya.

Hinawakan ko 'yung cheeks niya at tinitigan siya.

"Lagi mong isuot 'yan. Regalo ko 'yan sa'yo." Ngumiti ako sa kanya, ngumiti siya pabalik.

"Tara na. Para makapagpahinga ka na rin." Sabi ko sa kanya at hinawakan siya sa kamay.

Nang makarating na kami sa parking lot, bigla siyang huminto. Lumapit ako sa kanya.

"What's the problem?"

"Sobrang sakit ng ulo ko." Muntikan pa siyang matumba, buti na lang nasalo ko. Inalalayan ko siya papasok ng kotse ko.

"Matulog ka muna."

--------

Nang makarating kami sa bahay nila, inalalayan ko siya papasok ng bahay nila.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Tita, Mom ni Yumi.

"Bigla na lang pong sumama 'yung pakiramdam niya."

Nakita ko si Yumi na nakatulog na sa sofa.

"Ganun ba? Pakibuhat naman siya papuntang kwarto niya, kukuha lang ako ng gamot."

Binuhat ko siya hanggang sa kwarto niya. Ihiniga ko siya at kinumutan.

"Good Night, Yumi. I love you." I kissed her forehead before I leave.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
(A/N: Sorry po sa late late UD. Hope you like it.)

Pls. Read. Vote. Comment

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon