Chapter 36

131 9 0
                                    

Third Person's POV

Sinisimulan nang ayusan ni Gwen at ni Danica si Maine.

"Ate, sino ba kasi 'yung idedate ko?" Tanong ni Maine habang inaayusan siya.

"Secret muna. Kami nang bahala dun. Hindi naman manyak 'yun. Sobrang bait nga nun eh at tsaka gwapo pa." Sabi ni Danica na natatawa.

Wala nang nagawa si Maine. May tiwala naman siya kay Danica at Gwen kaya wala siyang dapat ikabahala.

Natapos na ang pag-aayos sa kanya. Umalis na sila at si Ray ang nag drive.

"Ready ka na ba, Meng?" Tanong ni Ray sa kanya habang nagdadrive.

Tumango lang si Maine. Tahimik lang siya sa buong biyahe. Nang makarating sila, nakita niya na sa restaurant mismo nila magaganap ang date. Sinamahan na siya nila Ray, Gwen, at Danica papuntang rooftop.

"Hintayin mo na lang siya parating na 'yun. Enjoy your date." Sabi ni Danica at isinara na ang pintuan. Lumapit lang si Meng sa railings at tumingin sa stars.

--------

Sa kabilang banda, nakaayos na si Alden at hinihintay na lang niya ang tatlong kasama niya.

"Pre, ready ka na ba? Tara na?" Tanong ni Andy na nakabihis rin.

Tumango lang si Alden at umalis na sila. Nang makarating sila sa restaurant, nagulat si Alden. Parang napuntahan na niya ito, pero di niya alam kung kailan. Sobrang familiar talaga 'yung restaurant.

"Familiar sakin 'tong lugar na 'to."

Napangiti lang ang tatlo sa sinabi ni Alden. Nagsisimula nang maging familiar sa kanya 'yung mga nakikita niya.

"Tara na. Baka naghihintay na SIYA." Sabi ni Carl at pumunta na sila ng rooftop.

Tinulak nila si Alden papuntang rooftop at umalis na sila.

Alden's POV

Loko talaga sila Nate. Itulak ba naman ako. Muntik na akong madapa.

Nang makarating na ako, may nakita akong isang babae na nakatingala sa langit. Parehas pa kami ng color na suot. Color blue.

Humarap na siya at nagulat ako kasi si Maine ang sinasabi ni Ate na kadate ko. Ano ba kasing trip nila? Ugh.

"I-ikaw p-pala a-ang ka-kadate k-ko." Sabi niya na nauutal at nakayuko.

"Tsk. Dapat pala hindi ako pumayag."

Tumingin lang siya sakin pero parang may kakaiba sa tingin niya. Di ko alam kung ano 'yun. Familiar din sakin 'yung mga mata niya. Umiwas na lang ako ng tingin.

"Kumain na nga lang tayo." Sabi ko na lang.

Habang kumakain kami, di ko maiwasang magtanong.

"Kanino ba 'tong restaurant na 'to? Familiar kasi sa akin eh."

Nagulat siya sa sinabi ko at nakarecover naman kaagad.

"Sa amin 'tong restaurant na 'to. Dito rin ako nagtatrabaho bilang chef."

Napaisip naman ako. Ano ba kasing meron dito sa restaurant na 'to, wala namang connect sa akin 'to.

Biglang may pumasok sa utak ko na scenario.

"Meng, tara sa rooftop ng restaurant niyo. May ihinanda ako para sa'yo."

"Tara, excited na ako."

Hinila ako ng isang babae pero ang blurred nung mukha niya.

'Dun natapos ang scenario pero sino 'yung babae?

"Urgghhh." Napahawak ako sa ulo ko. Bigla na lang sumakit.

"O-okay k-ka lang? Inom ka muna ng tubig." Inabot niya sakin 'yung tubig pero tinabig ko 'yun kaya natapon.

"Lumayo ka sa'kin!" Sigaw ko sa kanya.

"Anong nagyayari dito?"

Maine's POV

"Anong nangyayari dito?" Biglang pumasok si Ate Danica kasama sila Kuya Ray, Ate Gwen, Nate, Carl, at Andy.

"Bigla pong sumakit 'yung ulo niya." Sabi ko habang nakayuko. Inalalayan nila Nate si Alden makatayo para makauwi na. Naiwan kami nila Kuya Ray dito sa rooftop.

"Anong nangyari? Bakit parang sumigaw si Alden kanina?" Tanong sa akin ni Ate Danica. Kinwento ko ang lahat ng nangyari.

"Bakit kaya siya nagbago sa'yo? Hayaan mo na, tatanungin ko na lang si Alden kung bakit siya masungit at kung bakit biglang sumakit ang ulo niya." Sabi ni Ate Danica.

Tumango na lang ako. Umuwi na kami at dumeretso na ako sa kwarto ko.

Bakit nga ba nagbago ka sakin? Sana bumalik na ang alaala mo Tisoy, I miss you and I love you.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
(A/N: Sorry po sa late na UD. Love you all.)

Pls. Read. Vote. Comment

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon