Chapter 2

463 23 4
                                    

Chapter 2

(Edited Chapter)

---------------------

Maine's POV

"Babe?" Takang tanong ni Alden.

"Uhmm... Siya pala  yung sinasabi ko sa'yo, Tisoy. Alden this is Jake, my boyfriend. Jake this is Alden, my best friend."

Ngumiti si Jake at tumayo. Nakipagshakehands si Jake at tinanggap naman 'yun ni Alden.

Pero bakit parang nag-iba 'yung mood ni Alden? Nag-iba aura niya ngayon ah. Ano kayang problema niya?

"Maine, alis na ko ah. Baka makaistorbo pa ako eh." Bigla siyang nagpaalam pero hindi ko narinig yung last na sinabi niya.

At tsaka bakit niya ako tinawag na Maine? Ngayon niya lang ako tinawag sa true name ko. Ano bang problema mo ngayon, Tisoy? Tatawagin ko sana siya pero nakalabas na siya ng Starbucks.

"Babe, are you okay?" Tanong ni Jake sakin at hinawakan ako sa bewang.

"Y-yeah, I'm okay."

Umalis na kami ng Starbucks pero tinitingnan ko pa rin kung babalik siya sa Starbucks pero Sumuko na ako sa kakalingon, nakakangalay eh. Tiningnan ko rin yung phone ko, baka kasi nagtext siya. Pero wala akong nareceive ni isang text galing sa kanya.

Pumunta na lang kami ng sinehan pero Hindi ko rin naenjoy. Nag-aalala lang kasi ako Kay Tisoy.

"Babe, uwi na tayo. Babalik na ako sa work bukas eh. Alam mo naman ang business namin 'Di ba?"

'Pls.pls.pls. Sana gumana ang palusot ko.' Pagpepray ko sa isip ko.

"Sige na nga, babe. Masaya pa rin naman ako kasi nakasama uli kita."

Napangiti naman ako sa sinabi niya PERO hindi ako kinilig. Buti rin nakalusot 'yung sinabi ko sa kanya.

"Tara, hatid na kita."

Tumango naman ako. Pumunta na kami sa sasakyan niya. Hinatid na niya ako tapos umalis siya kaagad. Bakit kaya nagmamadali si Jake?

Hayyy. Ewan.

Ano bang nangyayari sa mundong 'to? Pinuntahan ko na lang si Tisoy kasi magkapitbahay lang naman kami.

*ding**dong**ding**dong*

Ang tagal naman. Kakaisip ko, 'Di ko napansin na nasa harap ko na pala sa si Tita Mika (mommy ni Alden).

"Uhmm.. Tita nandyan po ba loob si Tisoy?" Tanong ko.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon