Maine's POV
5 months nang nanliligaw si Alden. Buti nga hindi siya nagsasawa sa akin at sa ugali ko. Tuwing nagtatampo ako sa kanya, agad-agad siyang nagsosorry. Grabe rin siya kung magpakilig.
Nandito kami ngayon sa mall nila Ella, Carrie, at Yumi. Hinihintay namin 'yung boys kasi may pupuntahan lang daw sila saglit pero ang tagal-tagal naman.
"Ang tagal naman nila. Baka iniwan na tayo?" Sabi ni Yumi.
Sinamaan namin siya ng tingin.
"Subukan lang nila. Basted sila." Sagot naman ni Carrie. Napatawa naman ako kaya napatingin sila sa akin.
"Bakit?" Sabay na sabi nilang tatlo.
"Wala. Tara na nga lang. Arcades na lang tayo o kaya shopping. Bahala sila maghanap sa atin." Sabi ko at tumayo na. Tumayo na rin naman sila except Ella.
"Guys, tingnan niyo sa ground floor oh. Mukhang may event, tara na lang dun." Lumapit kami at parang may event nga.
"Tara." Sabi namin. Paalis na kami nang biglang may lumapit sa amin na isang lalaki na nakaformal suit.
"Kayo po ba sila Ella, Yumi, Carrie, at Maine?" Nagkatinginan kaming apat at tumango na lang.
"Bakit po? May kailangan po ba kayo?" Tanong ko naman.
"Kasi ano... Napag-utusan lang po kasi ako. Sumunod na lang po kayo sa akin. Wag po kayong mag-alala wala po akong gagawing masama talagang napag-utusan lang po ako. Tara na po?" Naglakad siya at sinundan namin siya. Sumakay kami sa elevator at napansin namin na sa ground floor ang punta namin.
Nang makalabas kami, naglakad kami papunta sa may event na tinutukoy ni Ella.
"Teka. Ano po bang meron dito? Bakit nasa gilid 'yung mga tao at bakit may apat na upuan sa gitna?" Takang tanong ni Yumi.
"Umupo po kayo diyan." Tinuro niya 'yung mga upuan at umupo na lang kami. Umalis na rin 'yung lalaki. Nagtataka ako kasi pinagbubulungan kami ng mga tao sa paligid namin.
"Ano bang meron? Bakit kaya tayo pinag-uusapan?" Tanong ni Carrie.
"Ewan ko rin eh." Sagot ko na lang. Hindi pa rin talaga tumitigil ang bulungan.
'Ang swerte naman nila.'
'Nakakainggit naman.'
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
FanfictionMaine and Alden are bestfriends. But one day, Alden realized that he loves Maine. What will happen if Maine accidentally hears Alden talking about her, and WORST, Alden said that he loves Maine? Uhhmmm. Something's fishy.