Chapter 24

194 11 4
                                    

Danica's POV

Musta na kaya si Tisoy? Maistorbo nga. Gabi ngayon dun eh.Baka nasa work pa siya kasi baka nag-over time. Tinawagan ko na lang siya at agad naman niyang sinagot.

"Ate. Ano 'tong sinasabi sakin ng secretary mo na may ipinatayo ka daw na resto?"

"Nakalimutan kong sabihin sa'yo. Puntahan mo yung resto kung may free time ka. Icheck mo kung may problema ba sa luto ng chef basta kung may problema."

"Okay, okay. Ibababa ko na 'to at busy ako. Para makauwi na rin ako at makatulog."

"Wait. May sasabihin ako."

"Pwede pakibilis, Ate. Tambak work ko eh." Sabi niya na naiirita na ewan.

"Sinabi ko kay Maine na umalis ka ng bansa."

Naku. 'Wag kang sisigaw. Wag kang magagalit. Ireready ko na 'yung tenga ko in.....

5...

4...

3...

2...

1...

"WHAT?! ANONG REAKSYON NIYA? ANONG SABI NIYA?!" Sabi na nga ba sisigaw siya eh.

"Kalma ka lang. Bigla lang siyang umalis."

"*sigh* Wala na talaga siyang pakialam. Wala na ata akong pag- asa sa kanya."

Dama ko 'yung lungkot sa boses niya.

"Susuko ka na lang ba? Hindi mo ba siya ipaglalaban?"

"Ate, madami nang nagsasabi sakin niyan. Pero anong magagawa ko. Pinaalis niya ko. Ayaw niya rin akong kausapin. Ayokong ipagsiksikan 'yung sarili ko sa kanya, Ate! Lalo na at may  galit pa siya sakin."

"Tisoy, makinig ka. Galit lang siya. Hindi ka niya kinamuhian."

Narinig ko uli ang pagbuntong hininga niya.

"One last try, Ate. Kapag hindi gumana wala na akong magagawa."

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon