Chapter 30

191 14 4
                                    

Maine's POV

🎶Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ko
Kung maging tayo...
Sayo lang ang puso ko🎶

Nagising ako dahil sa pagriring ng cellphone ko. Ang aga aga namang tumawag nito. Inaantok pa ako eh.

Kinapkap ko 'yung cellphone ko sa may side table at kinuha iyon. Minulat ko yung mata ko at nakita kong si Ate Danica pala 'yung tumatawag.

"Hello, Ate? Ang aga mo atang tumawag. Inaantok pa ako eh."

[Meng, si Alden.]

Napabangon ako sa higaan ko nung binanggit niya si Alden.

"A-ano pong nangyari?"

Kinakabahan ako baka may masamang nangyari sa kanya.

[Maligo ka na at bilisan mong pumunta dito.] Sabi ni Ate tapos binabaan na ako.

Agad akong bumangon at naligo. Mabilis rin akong nagbihis, kinakabahan talaga ako eh. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa sala. Nakita ko si Nate na nakaupo parang may hinihintay siya.

"Nate!" Tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon.

"Nandiyan ka na pala, Maine. Tara na sa hospital?" Tanong ni Nate.

"Ako pala hinihintay mo?"

"Alangan, Maine. Pinahintay ka kasi sakin ni Ate Danica kasi wala kang kasabay. Nauna na si Carl at Andy doon."

"Okay." Sabi ko na lang.

"Tara na?"

Tumango lang ako at lumabas na kami. Sumakay na kami sa sasakyan niya at umalis na.

Pagkadating namin sa room ni Alden, nakita ko sila Tita Mika habang chinecheck nung doctor si Alden.

Tumingin ako sa higaan ni Alden at gising na siya!

Nakaupo lang ako habang nakatingin kay Alden. Hindi ako makapaniwala na gising na siya. Buti na lang. Umalis na 'yung nurse pero yung doctor hindi pa.

Biglang nagsalita si Alden, "S-sino kayo?" At tinuro niya sila Tita hindi niya siguro ako napansin.

Nagulat naman sila Tita pati din si Ate Danica at Nate.

"A-anak." Sabi lang ni Tita na naluluha.

"Doc? Bakit ganun? Bakit di niya kami maalala?" Tanong ni Ate Danica.

"He is suffering from amnesia. Kalahating porsiyento ay pwedeng bumalik ang alaala niya." Sabi ng Doctor at umalis na siya.

Nagulat ako sa sinabi ng doctor. Di ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

Di niya kami pwedeng kalimutan.

Di niya AKO pwedeng makalimutan.

Eto na ba ang tinatawag nilang KARMA? Kung eto man 'yun sana mawala rin kaagad. Kasi di ko kakayanin na di niya ako maalala.

Tumayo ako at lumabas. Pumunta ako sa garden ng hospital at umupo sa may bench.

Nag-isip isip lang ako habang nakatingin sa langit.

Paano kaya kung hindi ko siya inaway?

Paano kaya kung di ko narinig 'yung mga sinabi niya noon kay Ate Danica?

Ang daming gunugulo sa utak ko. Napabuntong hininga na lang ako sa nangyayari ngayon. Unti-unting pumatak ang ulan. Pumasok na ako sa loob at pumunta naman ako sa chapel. Umupo lang ako at tumingin sa harap.

"Lord tulungan niyo naman akong pabalikin ang alaala ng best friend ko. Ang alaala ni Alden. Di ko pa kaya na hindi niya ako kilala. Hindi po ako sanay na ganito kami. Ako nga po siguro ang nagsimula ng mga kaguluhan sa buhay namin pero patawarin niyo po sana ako dahil sa mga ginawa kong kasalanan. Nagsisisi na po ako sa mga sinabi ko sa kanya na masasakit." Sabi ko habang pinipigilan ang luha ko.

Umalis na ako at bumalik na sa room ni Alden.

Pagkapasok ko, nakita ko sila na nagtatawanan. Nagkekwento na siguro sila ng past ni Alden.

Tumingin sakin si Alden. Napatingin na rin sila Nate sa akin.

"Maine, nandiyan ka na pala. Saan ka ba nanggaling?" Tanong ni Tito Reiko sa akin.

Natutunaw ako sa titig sakin ni Alden.

"Diyan lang po." Sagot ko kay Tito Reiko.

"S-sino siya?" Tanong ni Alden kay Ate Danica at tinuro ako.

"Siya? Siya si Maine, ang BEST FRIEND mo." Sabi ni Ate Danica at talagang inemphasize pa ang best friend.

"Best friend?" Tanong ni Alden na nagtataka.

Tumango lang si Ate. Kumunot ang noo ni Alden.

"Ang best friend ko ay sila," tinuro niya sila Carl, Andy, at yung pinsan niya na si Nate.

"At hindi siya." Sabay turo sakin. Nagulat silang lahat sa sinabi ni Alden.

Napahawak naman ako sa dibdib ko. 'Yun lang ang sinabi niya pero nasaktan ako sa mga sinabi niya. Iba ang tinuturing niyang best friend. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang. Ayokong umiyak sa harap nila.

"Meng, tara muna. Uwi muna tayo." Sabi ni Ate Danica at hinawakan niya 'yung kamay ko tsaka kami umalis.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
(A/N: Sorry again sa late UD. Hope you like it. Love you all.)

Pls. Read. Vote. Comment.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon