Chapter 5

312 15 1
                                    

Maine's POV

Nandito ako ngayon sa bahay. Nireready ko yung mga binake at niluto ko para sa pagdating ng ate at dad niya. Hindi alam ni Alden na kasama sa pag-uwi yung Dad niya. Nakakatawa siguro yung mukha ngayon ni Alden kapag nakita niya si Tito Richard (Dad ni Alden). Miss na miss na niya Dad niya eh. Magkavibes kasi. Hahahahaha.

"Meng, let's go?"

Pupunta kami ngayon kina Alden. Inimbitahan kami ni Tita Mika eh. May handaan daw sa kanila. Kami kami lang naman ang magsasalo salo.

"Okay Mommy."

Binuhat na namin yung foods at pumunta kina Alden. Magkapitbahay lang naman kami eh.

****

"Waaaa!!!! Meng, namiss kita." Sabi ni Ate Danica tapos hinug niya ako.

"Namiss din kita, Ate."

Umupo na kami sa chair at nagsimula ng kumain.

"Musta ka na Meng? Gumanda ka ah." Pang-aasar ni Tito.

"Ayy, ngayon niyo lang napansin, Tito? Dati pa ako maganda. Haha." Sabi ko.

Natawa naman si Tito sa sinabi ko. Bigla namang naubo si Alden. Tiningnan ko siya bigla siyang nagsalita.

"Seriously, Menggay? Maganda ka na sa lagay na 'yan? Hahahaha." Sabi niya tapos bigla siyang nagsmirk.

Aba't. Pinagtitripan ako ah.

"Aba, Tisoy. Wag mo kong minamaliit." Sabi ko sa kanya.

Biglang binatukan ni Ate Danica si Alden.

"Ang ganda ganda ni Meng, ginaganyan mo? At tsaka best friend mo siya." Sabi ni Ate sa kanya.

"Ate, joke lang. Kalma ka diyan. Nagpapapansin lang ako sakaling mapansin niya rin yung nararamdaman ko."

Hindi ko narinig yung last. Binulong niya kasi.

"Ano 'yung last? Di ko narinig eh. Pakiulit nga."

"Ah, eh ano. Sabi ko bilisan mong kumain kasi ikaw na lang yung kumakain."

Tumingin ako kila Mommy. Ang bilis nilang kumain. Binilisan ko na rin yung pagkain ko, nakakahiya naman sa kanila.

Hayyyssss. Natapos na ring kumain. Nandito kami ngayon sa sala at nagkekwentuhan. Girls Talk. Yung boys nag-iinuman pero yung light lang.

"Meng, pano kung nainlove sayo si Tisoy? Anong gagawin mo?" Tanong ni Tita.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon