Maine's POV
Nandito ngayon sila Ella, Yumi, and Carrie. Sila 'yung mga nililigawan ng barkada ni Alden. Ipinakilala sa akin ni Nate eh. Ewan ko kung bakit. Ang alam ko lang, gusto daw nila akong maging kaibigan kasi kaibigan daw ako nila Nate. Hindi naman ako nag-alinlangan sa kanila kasi mababait naman sila. Wala akong dapat ipag-alala.
Nandito kami ngayon sa kwarto ko, nagkekwentuhan. Dito daw muna sila kasi aalis din daw kami mamaya. Umalis sila Ate Gwen eh.
"Maine, anong susuutin mo mamaya?" Tanong ni Ella.
"Wala pa akong naiisip eh." Sagot ko.
Napapoker face naman sila.
"Kami na ang pipili ng susuutin mo." Sabi ni Carrie at pumasok sila sa walk-in closet ko. Hinayaan ko lang sila. Wala ako sa mood eh.
Iniisip ko kasi 'yung nangyari kagabi. Nakita ko kasi sa peripheral vision ko na nakatitig siya sa akin. Ewan ko pero bigla na lang tumibok ng mabilis 'yung puso ko 'nung time na 'yun. Lumingon ako sa gawi niya tapos bigla niyang iniwas ang tingin niya at pumasok na siya sa bahay nila. Bakit kaya siya nakatitig sa akin? Nakakaalala na kaya siya? Sana oo. Miss ko na siya.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Earth to Maine!!!" Sabi ni Yumi at kumakaway kaway pa sa harap ko.
"Bakit?" Tanong ko sa kanila.
Napaface palm naman sila.
"Sabi namin, suotin mo 'tong dress na 'to. Ang cute kasi." Sabi ni Carrie.
Kinuha ko 'yung dress at pumunta sa cr. Color red 'yung dress tapos above the knee ko siya. Sinuot ko na yung dress at lumabas na ako ng cr.
"PERFECT!" Sabi nila at pumalakpak.
Inirapan ko lang sila at bumalik na ako sa cr para magpalit.
*kring* *kring*
May tumatawag kay Carrie, si Nate siguro.
Sinagot naman niya kaagad.
"Hello?... Uhmmm, sige... Okay... Bye."
Ano kayang pinag-usapan nila?
"Magbihis ka na, Maine. Aayusan ka pa namin."
Nagtaka naman ako.
Aayusan? Eh, lalabas lang naman kami?
"Aayusan? Lalabas lang naman tayo." Sabi ko sa kanila.
"Basta. Magbihis ka na." Sabi ni Yumi at itinulak ako papunta sa loob ng cr.
Nagbihis na lang ako. Wala naman akong magagawa eh.
Pagkalabas ko ng cr, hinila na nila ako sa harap ng salamin at inayusan.
Pagkatapos ng ilang minuto, nakaalis na kami. Sasakyan ni Yumi ang ginamit namin. Ewan ko kung saan, kami pupunta.
Huminto na ang sasakyan at nandito kami ngayon sa park. Magdidilim na din. Ewan ko ba sa mga 'to at gabi pa ang gusto.

BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
FanfictionMaine and Alden are bestfriends. But one day, Alden realized that he loves Maine. What will happen if Maine accidentally hears Alden talking about her, and WORST, Alden said that he loves Maine? Uhhmmm. Something's fishy.