Chapter 28

180 11 5
                                    

Alden's POV

Ilang araw na rin makalipas nung magsimula kaming magphotoshoot. Nandito kami ngayon sa photoshoot namin at last shot na lang pwede na kaming makauwi.

"Okay, boys. Last post and you can go home now." Sabi nung photographer.

Nag post na kami at sa wakas natapos na rin. Pagod na pagod na kami eh.

"Good job again, boys." Sabi ni Mr. Evans.

"Thank you." Sabay naming sabi at umalis na.

"Guys, mauna na kayo daan muna akong office, may ichecheck lang ako." Paalam ko sa kanila.

"May bibilhin pala ako." Sabi ni Nate.

"Sige. Ingat kayo. Una na kami." Paalam ni Carl at Andy tsaka sila umalis.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at umalis na. Nakita ko sa side mirror ng sasakyan ko na nakasunod si Nate. Siguro dun siya bibili sa convenience store malapit dun sa company.

Liliko na sana ako pero 'nung inapakan ko 'yung break ayaw gumana! Sh*t!

May makakasalubong pa ako na truck! Bahala na.

*beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeepp*

Inalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin ni Maine.

Napapikit na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. At ang huli ko na lang nabanggit ay....

"I love you so much, Maine....."

Nate's POV

Palusot ko talaga 'yung may bibilhin ako. Ang totoo kasi niyan bigla akong kinutuban nung nagpaalam si Alden na pupunta pa siya sa office niya. Hinala ko na may masamang mangyayari kaya nagpalusot ako at sinundan ko siya.

Tama ang hinala ko may masamang nangyari. Agad akong tumawag ng ambulansya at rescue team para mailabas sa sasakyan si Alden. Naipit siya sa loob dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga. Umalis na 'yung ambulansya at sumunod na ako. Tinawagan ko din sila Carl para pumunta na ng hospital.

Inilabas na si Alden sa ambulansya at dineretso sa emergency room sumunod ako pero pinigilan ako ng nurse. Naghintay ako sa waiting area at saktong dumating na 'yung dalawa.

"A-anong n-nangyari k-kay A-alden?" Tanong ni Andy na kinakabahan.

"Nabunggo 'yung sasakyan niya sa truck. Di ko pa alam kung anong nangyari. Iniimbestigahan pa lang ng mga pulis kung anong dahilan ng pagkakabangga niya."

Naghintay pa kami ng ilang oras at lumabas na rin 'yung Doctor.

"Who's the relatives of the patient?" Tanong ng Doctor.

"He's my cousin." Tumayo ako at lumapit sa doctor. Sumunod din 'yung dalawa.

"I'm sorry, Sir but he's in a coma right now. Malakas ang pagkakauntog niya. Hindi natin alam kung kailan siya magigising. Ipagpray na lang natin siya. Mauna na po ako. Tawagin niyo na lang po ako kung may kailangan po kayo." Tumango lang ako. Wag na kayong magtaka kung bakit siya nagsasalita ng Filipino. Kami ang nagmamay-ari ng hospital na 'to at siya lang ang Filipino na doctor na hinire nila Mama. Ewan ko kung bakit.

Pumunta na kami sa room ni Alden.

Tatawagan ko muna sila Ate Danica  para siya na ang magsabi kina Tita Mika.

"Kayo muna ang magbantay kay Alden. Tatawagan ko lang muna sila Tita."

Tumango sila at lumabas na ako.

Danica's POV

Nandito lang ako sa bahay ngayon. Naghihintay lang ako ng tawag ni Tisoy.

🎶God gave me you
To show me what's real
And there's more to life
Than just how I feel🎶

"Hello?"

[Ate, si Nate 'to.]

"Napatawag ka Nate?"

[Ate, s-si A-alden p-po kasi.]

Bigla akong kinutuban. Wag naman sana...

"Anong nangyari kay Alden?"

[He is in a coma right now.]

"A-anong n-nangyari?"

[Pumunta na lang po kayo rito. Ieexplain ko po lahat ng nangyari.]

*toot**toot*

"Mom! Dad! Tita! Tito! Maine!" Sigaw ko dito sa kwarto ko habang umiiyak.

Biglang dumating sila Tito at Tita, Mom and Dad, pati na rin si Maine.

"Anong problema, Danica? Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong ni Dad sa akin.

"D-dad, t-tumawag sakin s-si Nate."

"Anong sabi niya?"

"S-si T-tisoy....."

"Bakit si Alden? Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Maine na kinakabahan. Pati sila Tito, Tita, at Mom ay kinakabahan pati si Dad na nasa tabi ko.

"Nacoma po si Tisoy." Sabi ko at humagulgol na ako.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
(A/N: Thanks po sa pagsupport. Love you all. Sana po suportahan niyo po hanggang sa last.)

Pls. Read. Vote. Comment.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon