Nate's POV
Ang aga kong nagising ngayon kaya naisipan kong magjogging. Bumaba na ako at nakita ko si Mom na nag-aayos ng table at si Dad naman ay nagkakape. Lumapit muna ako sa kanila.
"Good Morning po." Sabi ko sa kanila.
"Good Morning din anak." Sabay nilang sabi.
"Upo ka na at malapit nang maluto 'yung pagkain." Sabi ni Mom.
"Mamaya na lang po. Magjojogging po muna ako."
"May sasabihin pala ako, Nate. May business trip kami ng Dad mo sa Cebu. Isang linggo kami dun kaya maiiwan kang mag-isa dito. Wag mong pabayaan ang company ha? Wag mo ding pabayaan ang modelling career mo." Sabi ni Dad. Matagal na nilang alam na nagmomodel ako sa States.
"Opo. Aalis na po ako. Ingat po kayo."
"Ingat ka rin." Sabi ni Dad at umalis na ako.
Nagwarm-up muna ako bago tumakbo. Iikutin ko na lang ng isang beses 'yung subdivision namin tapos uwi na ako.
Nandito ako malapit sa park. Napahinto ako sa may poste. May nakita ako na isang babae at isang lalaki na magkayakap. Familiar sakin 'yung mukha ng babae. Medyo lumapit pa ako at nakita ko na 'yung babae.
Si Carrie.
Natigilan ako. Alam kong hiwalay na kami pero di ko mapigilang masaktan. Mahal ko pa rin siya. </3
Umalis na ako at baka makita niya pa ako. Nakakainis. Umuwi na lang ako. Bad trip!
Kumain muna ako bago naligo.
Anong nangyari sa relationship namin ni Carrie?
*Flashback*
"Nate, break na tayo." Sabi ni Carrie na hindi nakatingin sakin.
"T-teka... B-bakit? May nagawa ba akong masama? Sabihin mo nga Carrie."
Yumuko lang siya.
Hinawakan ko 'yung kamay niya. "Please, wag namang ganito Carrie."
"May mahal na akong iba Nate." Huling sabi niya at umalis na.
*End of Flashback*
Simula noon, wala na akong communication sa kanya.
Magmomove- on na ako sa kanya.
Gusto kong uminom. Matawagan nga si Carl.
[Hello?]
"Saan ka?"
[Dito sa bahay. Bakit?]

BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
FanfictionMaine and Alden are bestfriends. But one day, Alden realized that he loves Maine. What will happen if Maine accidentally hears Alden talking about her, and WORST, Alden said that he loves Maine? Uhhmmm. Something's fishy.