Alden's POV
Sa wakas pwede na akong mag work ngayon. Nagreready na ako para sa photoshoot ngayong araw.
Pumunta na ako sa kusina para kumain. Nakita ko si Mom na tinutulungan yung kasambahay namin sa pag-aayos ng pagkain.
Lumapit ako kay Mom tapos kiniss ko siya sa cheeks.
"Good Morning, Mom." At umupo na ako sa upuan.
"Good Morning din, Tisoy."
"Mom, where's Ate and Dad?" Tanong ko. Kami lang kasi ni Mom dito eh.
"Ang Ate mo ay maagang pumasok. Madami kasing aasikasuhin. Ang Dad mo naman nasa States para asikasuhin ang business dun."
Tumango lang ako at kumain na. Kumain na rin si Mom.
Nang matapos ako, nagpaalam na ako kay Mom.
"Mom, aalis na po ako."
Hinatid ako ni Mom hanggang gate.
"Ingat ka ha? Ingat din sa pagdadrive para maiwasan ang aksidente." Tumango lang ako at pinaandar ko na ang sasakyan.
--------
Nang makarating ako sa place na sinabi ni Nate nakita ko si Mr. Evans at wala pa 'yung tatlo.
"Alden, nandiyan ka na pala. Musta ka na? Buti naman di mo ako nakalimutan." Sabi niya habang natatawa.
"Okay lang po ako. Kinwento po kasi nila Nate ang about po sa inyo. Teka, hindi pa po ba dumadating 'yung tatlo?" Tanong ko pero obvious naman na wala pa sila eh. Nagtanong pa ako -_-
"Papunta pa lang daw---- Nandiyan na pala sila eh."
Tumingin ako sa likod at nakita ko 'yung tatlo na naglalakad.
"Aba! Gusto niyo ata ng grand entrance ah! Bakit ba ang tagal niyo?!" Sigaw ko sa kanila.
"Pasensya na. Nalate ng gising eh." Palusot ni Andy.
Napailing na lang ako sa kanila.
"Boys, magbihis na kayo at magsisimula na!" Sigaw sa amin ng photographer.
Tumango kami at pumunta na ng dressing room. Nang nakapagbihis na kami at nakapagready na, pinicturan na kami.
Pose dito. Pose diyan.
"Break time!!" Sigaw ni Mr. Evans.
Lumapit kami sa kanya at may ipinakita sa amin.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
FanfictionMaine and Alden are bestfriends. But one day, Alden realized that he loves Maine. What will happen if Maine accidentally hears Alden talking about her, and WORST, Alden said that he loves Maine? Uhhmmm. Something's fishy.