Chapter 15

224 14 1
                                    

Maine's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Alden. Umalis na sila Jake kasi may gagawin pa daw sila. Sinamahan naman sila ni Ate Danica.

Tulog pa rin si Alden hanggang ngayon. Siguro sobra siyang napagod dahil sa nangyari.

Biglang dumating sila Mommy kasama sila Tita.

"Oh my! What happened to my son?" Pag-aalala ni Tita.

"Tita, nabugbog po siya nung mga dumukot sa kanya." Sabi ko habang nakayuko.

"Pero wag po kayong mag-alala hindi na po sila manggugulo." Dagdag ko.

Tumango si Tita pero di pa rin naaalis sa mukha niya yung pag- aalala niya.

"Tita, Mommy, pwede po bang ako muna magbantay kay Tisoy at pwede po bang dito muna ako matulog?"

Gusto ko lang kasing alagaan si Alden. Lalo na sa lagay niya ngayon. Ang dami niyang sugat na natamo.

"Sure ka, iha?"

Tumango ako at pumayag naman sila.

Umalis na sila. Ako na lang ang naiwan ngayon.

Di ko mapigilang mapatitig sa kanya. Ang dami niyang sugat at pasa sa mukha. Hihintayin ko na lang siyang magising para magamot ko na yung mga sugat niya.

Ang gwapo talaga ng best friend ko. Ang sweet sweet pa.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Ano na naman ba 'tong nararamdaman ko. Tuwing kasama ko siya o nakikita palaging bumibilis tibok ng puso ko.

Hayss. Di ko na talaga maintindihan.

Gumalaw ng kaunti si Alden at unti-unti niyang minulat yung mga mata niya.

"M-menggay."

"Okay ka na ba?" Pag-aalala ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita pero pinipilit niyang bumangon.

"Wag ka munang bumangon. Di mo pa kaya. Diyan ka muna magluluto lang muna ako at kukuha na rin ng gamot."

Tatayo na sana ako para kumuha ng pagkain niya pero bigla niya akong hinila at niyakap sa likod.

"Wag kang aalis. Wag mo akong iiwan."

Ramdam ko yung paghinga niya sa likod ko. Parang ayaw kong umalis sa pagkakayakap niya sakin.

Teka, ano ba 'tong pinagsasasabi ko.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Di ko na talaga maintindihan yung nararamdaman ko.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon