Chapter 6

297 19 4
                                    

Maine's POV

Bakit meron siya nito?

Anong ibig sabihin nito?

"Menggay, tar------- Bitawan mo yan."

Inagaw niya sakin yung pictures.

"Bakit meron ka nito? Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko habang pinipigilan kong kumalma.

"M-menggay, umupo ka muna. L-let me explain."

Umupo naman ako pero di pa rin ako makapaniwala. Lutang pa rin ako.

Pano niya nagawa sakin 'to?

"Makinig ka lang, ha?"

Tiningnan ko siya tapos tumango ako. Kinakabahan siya. Halata sa mukha niya.

"Ganito kasi yun. *sigh*
Nung araw na pagkatapos niyong magkita, umalis ako. Habang nagdadrive ako, nakita ko siya na may ibang kasamang babae habang magkahawak ang kamay nila. Sobrang saya nila."

Di ko na mapigilang maluha pero di ko yun pinahalata.

"Sinundan ko sila hanggang sa park. Tapos narinig ko yung pinag-uusapan nila. Sabi ni Jake, may kailangan pa daw siya sayo kaya hindi ka niya mahiwalayan. Susugurin ko na sana siya pero pinigilan ako ng katropa ko. Sabi Niya, wag ko daw muna sabihin sayo kasi wala akong evidence. Pagkatapos nun, dumerecho ako dito at sinabihan ko yung secretary ko na, humanap ng investigator. Pinaimbestiga ko si Jake, at para mapatunayan ko sayo na niloloko ka lang niya. At nakita mo na ang evidence."

Napahagulgol ako.

"Ang sakit, Tisoy."

Niyakap niya lang ako. Yumakap na din ako sa kanya.

"Nandito lang ako. Di kita papabayaan." Niyakap niya ako ng mahigpit.

Iyak lang ako ng iyak habang nakayakap sa kanya.

Nahihirapan na akong huminga. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Menggay, are you okay?"

Di ko siya sinagot.

Nagsisimula na ring dumilim ang paningin ko. Nahihirapan na talaga akong huminga. Hawak-hawak ko yung dibdib ko.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon