Chapter 13 (Part 1)

205 10 0
                                    

Maine's POV

Lumipas ang mga araw. Lagi na lang nagtetext si Alden na 'kung saan ka na?' 'Sinong kasama mo?' 'Samahan na kita.' Lagi na lang. Alam kong nagiging protective lang siya pero nakakainis na kasi eh. Parang mawawala naman ako. Parang di ko naman kaya sarili ko.

Aaaarrrgggghhhhh.

Nakakainis.

Nagvibrate na naman cp ko.

*bzzt**bzzt*

From: Tisoy

Susunduin na kita. Saan ka na?

Aissshhh. O diba? Nakaakinis na siya.

To: Tisoy

May pupuntahan pa ako.

*Message Sent*

Pupunta pa ako ng mall ngayon. May bibilhin pa akong recipe book.

*ring**ring*

*Tisoy calling...*

"Hello?"

[Saan ka pupunta? Sinong kasama mo? Samahan na kita.]

"Ano ba, Tisoy?!! Malaki na ako!!! Alam ko namang nagiging protective ka lang pero naiinis na ako!! Parang mawawala naman ako!!!"

[Okay. I'm sorry. Ingat ka na lang.]

*toot**toot*

Binabaan ko na lang siya ng phone at umalis na.

"Janice?" Tawag ko dun sa waitress.

"Yes Ma'am?"

"Aalis muna ako. I'll buy a new recipe book."

"Okay, Ma'am."

"Just call me kapag may naghahanap sa akin."

Tumango siya at lumabas na ako.

Nagpasundo ako sa driver namin. Alangan namang magcommute ako, delikado na.

'Nung dumating na si Manong, sumakay kaagad ako.

"Ma'am, saan po tayo?"

"Manong, sa mall po. May bibilhin lang po ako saglit."

Tumango siya at pinaandar na ang sasakyan.

**Mall**

Nandito na ako ngayon sa bookstore, pumipili pa ako nang bibilhin ko.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon