Chapter 33

152 8 2
                                    

Danica's POV

Tapos na ang usapan namin pero bukas may pag-uusapan uli kami about sa mga plano namin, syempre kasama na sila Nate. Speaking of Nate, matawagan nga.

*kring**kring*

Hindi sumasagot ah. Ilang beses nagriring 'yung cellphone niya pero hindi niya pa rin sinasagot. Ano na naman kayang nangyari dun?

Last na 'to. Tinawagan ko uli siya... Thanks God, sinagot niya rin.

"Sa wakas, sinagot mo rin! Ano ba-----"

[Ate Danica, si Carl 'to. Lasing na lasing kasi si Nate eh. Buti na lang at nakatulog kaagad siya para kapag nagising siya hindi sumakit ang ulo niya.]

"Eh, bakit ba kasi naglasing 'yan?"

[Nakita niya kasi 'yung ex niya na may kayakap na iba. Nasaktan ang mokong, ayun nag- aya na mag-inom. Palibhasa kasi di makamove on.]

"Tsk tsk tsk. Ayy teka. May sasabihin pala ako. Sabihin mo na lang kay Nate at kay Andy except kay Alden. Sasabihin ko bukas kung bakit di siya kasali. Meet me sa coffee shop malapit sa opisina namin ng 8:00 am. Sige 'yun lang."

[T-teka Ate Da----]

Binabaan ko siya ng phone. Parang Alden din kasi 'yung mga 'yun. Magtatanong ng magtatanong. Tsk.

Maine's POV

Nandito lang ako sa kwarto ngayon at nagbabasa ng book habang nakaearphone. Wala akong pake kung anong pinag- uusapan nila. Wala akong ganang makinig. Di naman talaga ako nagbabasa eh, inaalala ko lang 'yung mga magagandang alaala namin ni Alden. Sana hindi na lang siya naaksidente para siguro nakaamin ako. Ang tanong, kaya ko nga bang aminin? Hayys.

Gusto ko na siyang makausap.

Gusto ko na siyang makasama.

Di ko matiis na hindi ko siya nakakausap.

Sobrang namimiss ko na siya sana bumalik na ang memories niya. Para maging masaya na kami.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon