Chapter 42

198 10 2
                                    

Nate's POV

Ang tagal namang magreply ni Carrie. Kanina pa ako nag-aalala. Nakailang tawag at text na ako pero wala pa ring response. Kinakabahan na ako. Hapon na. Buong araw siyang walang paramdam. Aiissshhh!! Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Nababaliw na ako! Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya.

Lumabas na lang ako ng kwarto at nagpaalam kina Mom na pupunta ako sa bahay nila Carrie. Buti naman pumayag. Gustong gusto nga nila si Carrie eh.

Nang makarating ako sa kanila, nagdoorbell na ako. Lumabas 'yung kasambahay nila at pinagbuksan ako.

"Ayy, iho. Buti nandito ka. Si Carrie kasi....." Biglang yumuko si Manang Lita.

"A-ano pong n-nangyari kay C-carrie?" Tanong ko. Bigla na lang akong kinabahan. Ewan ko kung bakit, masama ang kutob ko.

"Kanina pa po siya, hindi lumalabas ng kwarto niya. Hindi po namin mabuksan kasi nakalock po. Wala po kaming spare key. Kanina pa po kinakatok nila Ma'am and Sir pero wala pong response." Sabi ni Manang Lita na naiiyak.

Napatakbo ako papunta sa kwarto ni Carrie. Nakita ko sila Tita at Titona Katok nang katok. Napansin nila ako at lumapit ako sa kanila.

"N-nate." Sabi lang ni Tita na umiiyak. Niyakap naman ni Tito si Tita para tumahan na.

Kumatok ako sa kwarto ni Carrie pero walang response.

"Tito, kung payag po kayo. Sisipain ko na 'tong pintuan ng kwarto ni Carrie." Pagpapaalam ko.

Tumango lang si Tito at sinipa ko na 'yung pinto. Pumasok ako at hinanap si Carrie pero hindi ko siya nakita. Pumasok din sila Tito at Tita. Pumunta ako ng cr pero wala siya.
Pumunta ako sa walk-in closet niya at nakita ko siyang walang malay na nakahandusay sa sahig.

"C-carrie. Wake up. Wake up. I'm here. W-what happened?" Tanong ko habang tinatapik ko nang mahina 'yung cheek niya. Kinakabahan na talaga ako. Di ko na alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa kanya.

Nilapitan kami nina Tita at Tito at bakas sa mukha nila ang pag-aalala pero hindi sila nagsasalita.

"C-carrie? Wake up." Gumalaw siya at minulat niya 'yung mata niya.

"N-nate...." Sabi niya. Naramdaman ko na lang na nanginginig siya buti na lang at may jacket ako. Ibinalot ko 'yun sa kanya.

"What happened? Tell me." Hinaplos ko 'yung left cheek niya. Ang init niya.

"N-nahilo a-ako t-tapos bigla na l-lang dumilim ang p-paningin k-ko." Sabi niya at nawalan na siya ng malay.

Binuhat ko siya at ihiniga sa higaan niya. Kinumutan ko na rin siya. Pinatay ko na rin ang aircon.

"Tita, Tito. May lagnat po si Carrie kaya po siya nawalan ng malay."

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon