Chapter 46

176 9 0
                                    

Ella's POV

*4 years later*

Apat na taon na ang nakalipas, matatag pa rin kaming magkakabarkada pati na rin ang relationship naming lahat.

Si Alden at Maine, 'yun sobrang sweet. Sweet din naman kami pero mas sweet sila sa isa't isa.

Si Carl at Yumi naman, sweet din sa isa't isa. Si Carl napakaseloso niya. Meron nga 'yung time na sinigawan niya 'yung isang lalaki na tingin ng tingin kay Yumi. Tumawa lang kami nun pero siya poker face -_-

Si Nate at Carrie, sila 'yung mas mature sa'min pero minsan bumabalik 'yung pagkaisip bata ni Nate. Si Carrie, may pagkasadista 'yan. Kaya laging kawawa si Nate kay Carrie. Haha.

Kami ni Andy? Ewan ko. Galit ako sa kanya. Hmph. Nakakainis siya. Ang tagal-tagal kong naghintay sa may office ko pero hindi sumipot. Tapos makikita ko na lang na nasa isang resto at may kasamang babae. Tawa pa sila ng tawa. Nung makita niya ako, tumakbo na ako papunta dito sa kwarto ko.

"I hate you, Andy. Ang landi-landi mo!"

May narinig akong humintong sasakyan kaya sumilip ako sa bintana ko. Nakita ko si Andy na papasok dito sa bahay. Agad kong nilock 'yung pinto para 'di siya makapasok.

[Now Playing: Sorry na by Parokya ni Edgar]

*knock**knock*

Di ako kumikibo. Ayoko siyang kausapin.

"Ella, alam kong nandiyan ka. Buksan mo nga 'tong pinto." Sabi niya habang nasa labas.

Di ko pa rin siya kinakausap. Pumunta ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.

"Ella please, talk to me! Let me explain!" Kumakalabog na 'yung pinto sa lakas ng katok niya.

Maya-maya, hindi na siya nagsasalita. Makikiramdam muna ako. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Teka, paano niya nabuksan? Aish, oo nga pala may spare key siya ng kwarto ko.

Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama ko.

"Ella, sorry naman na oh. Sorry na please."

Tinanggal ko 'yung kumot ko tapos umupo ako pero hindi ako tumingin sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Cold na pagkakasabi ko.

"Ella, pumunta ako dito para mag-explain. Please makinig ka naman oh."

"Makinig? Eh halos mamuti na 'yung mata ko 'dun kakahintay sayo, Andy! Tapos makikita kita na may katawanan na babae?! Ang ganda-ganda pa ng tawanan niyo 'dun! Paano kung naghintay pa rin ako dun?! Ha?! Edi para akong tanga dun na naghihintay sa'yo!!!!" Sigaw ko sa kanya at napahagulgol ako sa iyak. Hinila niya ako at biglang niyakap ng mahigpit. Lalo akong napaiyak sa ginagawa niya ngayon.

"Shh. Stop crying. Nasasaktan ako kapag umiiyak ka. Sorry kung nakalimutan kitang sunduin. May urgent meeting kasi ako at siya ang kliyente ko. Hindi ako nakapagtext sa'yo kasi nakalimutan ko rin. I'm so sorry, baby ko. Hindi ko na uulitin."

"Nakakainis ka!" Tapos pinalo-palo ko siya sa dibdib niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko para tumigil ako. Binitiwan niya ang kamay ko at tinitigan ako.

"Sorry na, please. I'll make it up to you patawarin mo lang ako. Stop crying na oh. Lalo akong nasasaktan eh."

He cupped my face at tsaka pinunasan 'yung mga luha ko. "Aalis na lang muna ako para makapag-isip-isip ka." Tumayo siya at tumalikod. Hinabol ko naman siya at niyakap siya sa likod. Nagulat siya sa ginawa ko kasi napatigil siya.

"Sorry rin sa naging reaksiyon ko. Sorry Andy. Wag kang aalis, please. Natatakot lang ako na baka mawala ka sa'kin." Napaiyak na naman uli ako. Di ko kakayanin kung mawawala siya sa'kin. I love him so much.

Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya at humarap sa'kin.

"Umiiyak ka na naman eh. Diba sabi ko wag ka nang iiyak kasi nasasaktan ako tuwing umiiyak ka? Tahan na oh. Di na ako aalis." Sabi ni Andy.

"Promise mo?"

Tumango siya. Agad naman niya akong niyakap ng mahigpit at ganun din ako.

"I love you, Andy."

"I love you so much, Ella."

Kumalas siya sa pagkakayakap at pinagdikit ang noo namin. Unti-unti siyang lumapit at pumikit ako. Then, we kissed.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
(A/N: Okay lang po ba? Sorry sa late UD. Love you all.)

Pls. Read. Vote. Comment

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon