Alden's POV
Bakit ba ang liwanag? Minulat ko yung mga mata ko at umaga na pala.
Bumangon ako pero biglang sumakit ang ulo ko.
Aaaarrrrgggghhhh!!!
Ano bang nangyari kagabi? Nasobrahan pala ang pag-inom ko kahapon. Sobrang sakit talaga ng ulo ko.
Naalala ko si Maine. Baka umalis na siya papuntang work niya! Kailangan ko siyang makausap.
Agad agad akong tumakbo palabas ng bahay at nakasalubong ko pa si Dad.
"Where are you going, Tisoy?"
Di ko siya pinansin at dumerecho papasok ng bahay nila Meng. Buti na lang wala sila Tita.
"Manang, nakaalis na po ba si Menggay?" Tanong ko sa isang kasambahay nila na naglilinis.
"Ayy, iho. Hindi siya pumasok. Puntahan mo na lang sa kwarto niya."
"Sige po."
Tumakbo ako pataas ng hagdan.
"Menggay, open the door!!" Sigaw ko habang kumakatok pero hindi siya sumasagot at hindi niya rin binubuksan yung pinto.
"Menggay. Talk to me, please. I'm so sorry. Open the door."
Nagsisimula na namang mamuo yung mga luha sa mga mata ko. Nasasaktan ako sa sitwasyon namin ni Maine ngayon. Naiinis ako sa sarili ko. Ang tanga tanga ko!!
"Leave me alone, Alden!" Sigaw niya pero nasa loob pa rin siya ng kwarto.
"Maine, let me explain." Katok pa rin ako ng katok pero ayaw niya pa rin buksan yung pinto.
Wala na. Bumagsak na ang mga luha ko.
"Wala ka nang kailangang iexplain, Alden! Nagsinungaling ka! Nangako tayo sa isa't isa pero hindi mo tinupad!"
"Menggay, please. I'm so sorry. Di ko rin naman mapigilan yung nararamdaman ko para sayo."
Napasandal ako sa pintuan ng kwarto niya at napaupo ako. Ano bang nangyayari samin ngayon?
"Ayaw na kitang makausap, Alden. Please, umalis ka na."
Gusto na nga ba niya talaga akong mawala? Tutuparin ko yung gusto niya.
"Yan ba ang gusto mo? Sige, gagawin ko."
Tumayo na ako at umalis na sa bahay nila. Sa kanya na mismo nanggaling na ayaw na niya akong makausap at umalis na ako. Masakit man pero gagawin ko.
Umuwi ako ng bahay at dumerecho sa isang kwarto kung saan nakatago yung mga alak parang mini bar.
(Play niyo po yung video sa taas para feel.)
Uminom lang ako ng uminom at napansin ko yung isang picture frame na may picture namin ni Maine. Eto yung picture namin ni Maine nung graduation namin. Dito namin nilagay kasi dito kami nagcelebrate na dalawa pagkatapos ng graduation namin.
Kinuha ko yun at binato ko. Wala na ring kwenta yan. Sorry readers ha? Nasaktan lang ako.
Uminom lang uli ako at kinuha ko naman yung phone ko.
Last na 'to.
Desperado na kung desperado. Gusto ko lang malaman kung importante pa ba ako sa kanya kung sasagutin niya yung tawag ko.
Ang tanong, importante pa ba ako sa kanya? Kaya nga gusto kong malaman eh.
Tinawagan ko siya pero ring lang ng ring yung phone niya. Ilang beses akong tumawag sa kanya pero wala pa rin.
Wala na. Wala na akong pag-asa.
Uminom na lang uli ako ng uminom. Hindi ko na mapigilang umiyak. Ang sakit talaga sobra. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito.
Binalibag ko lahat ng gamit na nakikita ko.
Biglang may nagbukas ng pinto at nakita ko sila Mom, Dad, and Ate.
Lumapit sakin si Mom na nag- aalala at yinakap ako. Lalo akong napaiyak.
"M-mom. Ayaw na niya akong kausapin. Di ko kayang hindi kami nag-uusap ni Maine. Ang sakit sakit lang. Sobrang sakit." Sabi ko sa kanya habang umiiyak pa rin ako.
"Shh. Magkakabati din kayo. Umakyat ka na sa taas at magpahinga ka na. Wag ka nang uminom. Magkakasakit ka lang."
Kumalas si Mom sa yakap at aalis na sana sila.
Nakapagdesisyon na ako...
"Mom, Dad, Ate...."
Lumingon sila sakin.
"Payag na po akong pumunta ng States. Gusto ko bukas na ang alis ko."
Maine's POV
Narinig ko ang mga yapak niya pababa ng hagdan.
Di ko na mapigilang umiyak. Nasasaktan din ako. Ang tanga ko noh? Bakit kasi hindi ko na lang pinatawad? OA na kung OA.
Nandito lang ako nakaupo sa kama ko at nakatulala.
Bigla namang may nagpamusic ng kanta na Best friends.
Naalala ko si Alden. Siguro galit na siya sakin. Gusto kong magsorry pero papanindigan ko na yung sinabi ko sa kanya.
Hayss.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
(A/N: Thank you po sa pagsuporta sa story ko.)Pls. Read. Vote. Comment

BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
FanfictionMaine and Alden are bestfriends. But one day, Alden realized that he loves Maine. What will happen if Maine accidentally hears Alden talking about her, and WORST, Alden said that he loves Maine? Uhhmmm. Something's fishy.