Chapter 25

168 13 0
                                    

Maine's POV

Nakakainis!! Badtrip na ako!!!!

Bakit ba kasi nila pinapakialaman ang desisyon ko.

Bakit ba lagi ako ang mali?

Pumasok ako sa bahay at nakita ko si Mommy na galing kusina.

"O anak, bakit ganyan ang itsura mo?" Salubong niya sakin.

"Kasi naman Mommy......" Pabitin kong sabi at umupo ako sa sofa.

"Bakit?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Nakakainis na. Bakit ba kasi nila pinapakialaman yung desisyon ko?!" Pagmamaktol ko.

"Ano bang nangyari?"

Kinwento ko LAHAT kay Mommy. Pagkatapos kong ikwento nakita ko siyang kumunot yung noo pero nagbuntong hininga na lang siya.

"Why did you do that?"

"Mommy, naiinis kasi ako sa pangingialam nila." Sabi ko sa kanya at nagbuntong hininga uli siya.

"Hindi mo dapat ginawa 'yun. Sinasabi lang nila ' yung tama sa' yo. Binibigyan ka nila ng advice para matauhan ka sa mga ginawa mo. Pero anong ginawa mo? Nagalit ka rin sa kanila. Say sorry to them."

Magrereklamo pa sana ako pero pinigilan ako ni Mommy.

"No buts. At tsaka bukas ang dating ng 2 mong pinsan. Dito muna sila tutuloy. Gusto ka daw kasi nilang makasama."

"Sila Kuya Ray at Ate Gwen?"

Tumango lang si Mommy at napangiti ako. Sa wakas, uuwi na sila dito. Wala na kasi akong kasama eh. Simula nung nagalit ako kay Alden.

Teka, bakit si Alden na naman? Galit nga ako sa kanya eh. Wag mo nga siyang isipin utak. Nakakastress.

"Hey, Meng. Okay ka lang?" Kinakausap pala ako ni Mommy hindi ko napansin.

"Yes, Mommy. Akyat na po ako sa kwarto." Tumayo na ako at umakyat na sa kwarto ko.

Hayss. Sorry Mommy pero hindi ako magsosorry.

Alden's POV

"Bro, bilisan mo na dyan at excited na akong gumala."

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon