Chapter 48

155 7 0
                                    

Carrie's POV

*Flashback*

"Carrie!!!" Sigaw ni Nate. Pero tinatakbuhan ko lang siya. Naghahabulan kami ngayon habang umuulan.

Nakakainis naman kasi eh. Nakakahiya 'yung nangyari. Pinahiya ako ng bruhang 'yon habang kumakanta ako sa harap. Ayoko na.

"Carrie!!" Rinig kong sigaw uli ni Nate pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Pagod na ako. Di ko alam kung nasaan na ako. Hanggang sa.......

*beeeeeeepp**beeeeepp*

Napapikit na lang ako pero biglang may humila sa akin at niyakap ako.

"Thanks God, naabutan kita." Sabi ni Nate at niyakap ako ng mahigpit.

Nanghihina na ako. Pagod na pagod ako.

"N-nate." Nasabi ko na lang at pinikit ko na ang mata ko.

"Carrie!!!"

*End of Flashback*

Minulat ko ang mata ko at nasilaw ako sa liwanag na nakita ko.

"Carrie? Anak? Gising ka na." Narinig ko ang boses ni Mama.

Nandito pala ako sa hospital.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila.

"Bigla ka na lang daw nawalan ng malay habang nasa kalsada kayo at umuulan." Sabi ni Papa.

"Magpahinga ka na muna at aalis muna kami. Maya-maya dadating na rin si Nate."

Tumango lang ako sa sinabi ni Mama at ipinikit ko na ang mga mata ko.

--------

Nagising na lang ako kasi may naramdaman akong humalik sa noo ko.

"N-nate."

"Okay ka na ba?" Tanong niya at umupo sa gilid ng kama ko.

Yumuko lang ako. Naalala ko na naman 'yung pagpapahiya sakin kaya naiyak ako.

"H-hey... A-are you okay?" Tanong niya habang sobrang nag-aalala.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon