Alden's POV
Nandito kami ngayon ni Maine sa harap ng restaurant nag-uusap. Pero di ako mapakali kasi parang may nagmamasid sa akin eh.
"Uy Tisoy, okay ka lang? Kanina ka pa di mapakali ah." Pag-aalala ni Maine.
"Okay lang ako. Susunduin ba kita mamaya, Menggay?" Tanong ko.
"Uhhmmm. Itext ko na lang."
"Okay. Pasok ka na. Hinihintay ka na ng mga kasamahan mo."
Tumango siya at pumasok na sa loob.
Umalis na rin ako. Pero habang nagdadrive ako, napansin ko sa may side mirror na may sumusunod sa akin. Pero hayaan ko na lang.
Nang makababa ako, bumaba rin sila. Kinakabahan na ako sa mga kilos nila ah.
Lumapit sila sa akin.
"Anong kailangan niyo?"
"Sumama ka sa amin." Sabi nung isang lalaki.
"Hindi ako sasama sa inyo."
"Aba, tigasin din 'to eh." Sabi nung isa.
Biglang sumugod 'yung isa at akmang sasapakin ako pero nakailag naman ako. Sumugod na silang lahat at nakipagsuntukan na rin ako. Pero di ko namalayan yung isa na may hawak ng kahoy at ipinalo sa batok ko.
Nanghihina na ako, dumidilim na rin yung paningin ko. Naramdaman ko na may nagblindfold sakin...
And everything went black.
Maine's POV
Kanina ko pa tinetextan at tinatawagan si Alden pero hindi niya sinasagot.
Maghahalf day ako ngayon kasi sabi nung Mommy ni Alden, hindi pa daw siya umuuwi, eh half day din daw siya.
Nagpara ako ng taxi papuntang office ni Alden. Tinanong ko yung secretary niya...
"Ms. May meeting ba si Alden ngayon?"
"Ayy Ma'am, kanina pa po wala si Sir Alden."
"Ah, ganun ba?"
"Yes, Ma'am. Pero may nakakita po ng sasakyan niya sa parking lot."
Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan. Sana walang nangyaring masama sa kanya.
Pero kakahatid niya lang sa akin kanina, paanong nandito yung sasakyan niya pero wala siya.
Ang gulo.
"Ma'am okay lang po kayo?" Tanong sakin nung secretary.

BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
FanfictionMaine and Alden are bestfriends. But one day, Alden realized that he loves Maine. What will happen if Maine accidentally hears Alden talking about her, and WORST, Alden said that he loves Maine? Uhhmmm. Something's fishy.