Alden's POV
3 years na simula nang mangyari ang aksidenteng 'yun.
Pero hanggang ngayon, hindi pa rin naghihilom ang sakit na dinulot nito.
Nasasaktan pa rin ako tuwing naaalala ko 'yun. Hindi ko mapigilang umiyak.
"Alden, tara na. Baka hinihintay na nila tayo."Sabi ni Nate. Lumingon ako sa kanya.
"Daan muna tayo sa flower shop." Sabi ko at tumango naman siya.
Dumaan muna kami sa flower shop at bumili ako ng isang bouquet ng white roses tsaka kami dumeretso sa lugar na 'yun.
"Okay ka lang ba, pre?" Tanong ni Nate habang nagdadrive.
"Hindi ko alam pre." Sagot ko sa tanong niya.
Nang makarating kami, bumaba na kami at pumasok na sa room niya.
"Nandyan na pala kayo." Salubong sa'min ni Yumi. Nilagay ko 'yung bulaklak sa side table at umupo sa gilid ng kama niya at hinawakan ko ang kamay niya.
"Menggay... I miss you. Kailan ka ba gigising? 3 years ka nang tulog. Gumising ka naman. Ang daming naghihintay sayo. Di ka pa ba tinatamad gumising? Nandito lang ako, Menggay. Hinding hindi kita iiwan kaya gumising ka na diyan. Para matuloy na ang kasal natin. Mahal na mahal kita." Sabi ko at hinalikan ang kamay niya.
"Alden, think positive lang tayo. Ipagpray natin na sana magising na siya." Sabi ni Yumi.
Tumango lang ako. "Ay, teka pala. Dumaan ba dito sila Tito at Tita?"
"Kaaalis lang nila. Dumaan sila dito para icheck lang si Maine at umalis na sila. Tawagan na lang daw natin sila kapag gising na siya." Sagot ni Carl at tumango na lang uli ako.
"Wala ba kayong work ngayon? Ang alam ko si Nate at ako lang ang walang work ngayon."
Nagtawanan naman silang lahat. "Nagpaalam kami sa boss namin na magday-off kami nang dalawang araw." Sabi ni Andy.
Tumango na lang uli ako. Nagkekwentuhan lang kami at nagtatawanan. Pero may kulang pa rin eh. Si Menggay....
Bigla na lang may gumalaw sa gilid ko. Tiningnan ko kung ano 'yun.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
FanfictionMaine and Alden are bestfriends. But one day, Alden realized that he loves Maine. What will happen if Maine accidentally hears Alden talking about her, and WORST, Alden said that he loves Maine? Uhhmmm. Something's fishy.