Chapter 38

180 10 2
                                    

Alden's POV

Engage na si Ate. Excited na siguro siyang ikasal kay Kuya Jayce.

Nandito ako ngayon sa pictorial namin at kasama ko na naman ang tatlo. Natapos na ang pictorial namin at nandito kami ngayon sa mcdo para kumain.

"Engange na si Ate Danica, samantalang tayo wala pang girlfriend." Sabi ni Carl na nakabusangot.

"Di ka kasi marunong manligaw. 'Yan ang napapala ng mga torpe." Sabi naman ni Andy na nakangisi.

"Torpe? Kapag dumaan diyan si Yumi, papakitang gilas ako." Sabi ni Carl at tumingin sa bintana. Si Yumi ay 'yung matagal nang mahal ni Carl. Nagkakilala ata sila sa park.

"Talaga lang, ha? Ayun, si Yumi oh? Lapitan mo na." Sabi ni Nate habang tinuturo si Yumi.

Tumayo si Carl at inayos-ayos ang kwelyo niya sabay alis ng mcdo. Hinabol niya si Yumi tapos nag-usap na sila. Kumakamot-kamot pa sa Batok si Carl habang namumula. Napansin din nila Andy at Nate na namumula si Carl.

"Takte. For the first time! Namula si Carl! Kuhanan mo ng picture, pre." Sabi ni Nate. Nilabas ni Andy 'yung phone niya at kinuhanan ng picture.

"Patingin nga!" Sabi ko kay Andy at pinakita niya sakin, nakitingin na rin si Nate.

"Yessssss!!!!!" May narinig kaming sigaw sa labas. Nakita namin si Carl na sobrang saya habang tumatalon, pinapatahimik naman siya ni Yumi kasi nakatingin na as kanila lahat ng tao.

"Ano kayang nangyari?" Tanong ko sa dalawa. Nagkibit-balikat lang sila.

Hinila ni Carl si Yumi papunta sa amin.

"Guys, si Yumi pala, NILILIGAWAN KO. Yumi, barkada ko pala. Si Nate, Andy, and Alden." Pakilala niya. Inemphasize pa talaga yung 'Nililigawan ko.'

"Hi, Yumi." Sabay naming sabi.

"Nice to meet you." Sabi ni Yumi.

"Guys, alis muna kami. Magdedate lang kami." Hinila niya uli si Yumi.

"Ayos yun ah." Sabi ni Andy.

"Baka may susunod sa kanila?" Sabi ko sa kanila at tumawa lang sila.

"Andy, si Ella oh. Umiiyak." Tumingin naman siya at nakita niya rin. Si Ella naman 'yung babaeng mahal na mahal din ni Andy. Torpe rin 'yan eh. Haha.

Tumayo si Andy at pupuntahan ata si Ella. Pinanood lang namin siya na lumapit kay Ella. Agad naman siyang niyakap ni Ella. Nagulat si Andy pero niyakap niya rin si Ella tapos pinunasan niya yung luha ni Ella. May sinabi siya kay Ella tapos nagulat si Ella. Halatang kinakabahan si Andy. Tumango si Ella at ngumiti.

"Yessssss!!!!! Whooooo!!!! Pumayag siya!!!!!!" Sigaw niya. Halos lahat ng tao ay napatingin sa kanya.

Nilabas niya 'yung cellphone niya.

*bzzt**bzzt*

From: Andy

Pumayag siyang ligawan ko siya. Una na rin ako. Idedate ko lang si Ella para sumaya.

Ano 'to? Sunod-sunod lang?

"Aba, sumunod na ang loko. Tayo na lang naiiwan." Sabi ni Nate na natatawa.

"Balikan mo na kasi si Carrie. Malay mo 'yung kayakap niya ay kaibigan lang pala o kamag-anak." Sabi ko sa kanya.

"Nate...." May narinig kaming nagsalita sa likod namin. Lumingon kami at nakita namin si Carrie na nakatayo.

"Can we talk?" Sabi ulit ni Carrie.

Tumayo ako. "Sige. Mag-usap na kayo. Una na ako." Sabi ko sa kanila.

Bumulong ako kay Nate, "Hulaan ko, ikaw na ang susunod." At umalis na ako.

Umuwi na ako. Saktong pagkadating ko sa kwarto, may nag text.

From: Nate

Pre, nililigawan ko na ulit si Carrie. Ikaw na lang ang wala hahahaha. Alam na rin 'nung dalawa. Nag-explain sakin si Carrie. Kaya 'yun.

Ako na lang pala? Ayos ah. Binuksan ko 'yung laptop ko. May nakita akong video.

Pinanood ko 'yung video.

"Menggay, tingin ka dito sa video oh."

Tumingin siya sa camera.

"Ang sarap ng hangin dito. Fresh air. Haha. Hindi na ako natatakot ngayon ngayon. Grabe ENJOY!!!" Sabi ni Maine at inistop ko na 'yung video.

May nakita akong photo album sa gilid ng kama ko.

Me and Maine.

Tiningnan ko yung pictures. Puro ako at si Maine ang nasa picture. Simula nung bata pa kami.

Bigla na lang sumakit 'yung ulo ko.

"Aaaaaarrrrrrrgggggggghhhhhh!!!"

Biglang pumasok sila Mom.

"Anak, anong nangyayari?!" Pagpapanic ni Mom.

Napapikit ako sa sobrang sakit at 'di ko na alam kung anong nangyari.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
(A/N: Sorry po ulit sa late UD. Nagiging busy na din po kasi ako eh. Pero mag- uUD po ako kada linggo. Sana po maintindihan niyo. Sorry po.)

Pls. Read. Vote. Comment

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon