Chapter 31

155 11 0
                                    

Maine's POV

Hinila ako ni Ate Danica papuntang parking lot at pumasok kami sa sasakyan niya. Hindi ko mapigilang umiyak.

Ang sakit. Sobrang sakit 'nung sinabi niya.

Itinanggi niya ako na best friend niya. Alam ko namang may amnesia siya pero di ko inakala na ganun ang sasabihin niya.

"Sshh. Stop crying Meng." Sabi ni Ate na nag-aalala habang hinahagod ang likod ko.

"A-ate.... A-alam k-kong may *sob**sob* a-amnesia siya p-pero b-bakit i-iba ang kilala n-niyang b-bestfriend?" Tanong ko kay ate habang iyak pa rin ako ng iyak.

"Hindi ko rin alam Maine. Nagulat din ako sa sinabi niya."

Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi pwedeng ganun ganun na lang ang mangyayari samin.

"Ate, naiinis na ako. Kung kailan Alam ko nang mahal ko siya, tsaka pa siya mawawalan ng alaala. Nakakainis!"

Hindi pwedeng mawala ang pagmamahal niya sa akin. Hindi ako papayag. Gagawa ako ng paraan para maalala niya ako.

Alden's POV

Best friend? Eh ngayon ko nga lang nakita 'yung babaeng 'yun. Ni hindi ko nga rin alam pangalan niya eh. Tapos sasabihin nila na best friend ko 'yun.

"Hoy, Alden. Bakit mo sinabi sa kanya 'yun? Best friend mo nga siya."

Kumunot ang ulo ko.

"Siya ba 'yung kinekwento niyo sa akin na best friend ko na babae? Hindi ako naniniwala." Sabi ko sa kanila.

Umiling lang sila.

"Anak, maaalala mo rin siya." Sabi ni Mom.

"Tsk."

"Alis muna kami, anak. Pupunta lang kami ng company ng Dad mo."

Tumango lang ako at umalis na sila.

"Uy bro, pagkalabas mo daw dito, uuwi ka na sa Pinas. Paano ang modelling career mo?" Tanong sa akin ni Andy.

Napaisip ako sa sinabi niya. Paano nga kaya 'yun? Sayang naman kung titigil kaagad ako, eh kasisimula ko lang naman.

"Wag mo nga munang pag-isipin si Alden. Hindi pa nga masyadong nakakarecover eh." Sabi naman ni Carl.

"No, its okay. I have a plan."

"Ano naman 'yan?" Sabi ni Nate.

"Alam ko meron naman silang company sa Pilipinas, kaya pwede akong lumipat. Sasabihin ko na lang kay Mr. Evans." Sabi ko sa kanila.

"Matatanggal na din naman yung benda sa ulo ko kapag nakalabas na ako." Dagdag ko.

"Edi mag-isa ka lang dun?" Tanong ni Nate.

Tumango naman ako.

"Aba! Hindi pwede 'yan. Sasama kami sa'yo sa Pinas. Tropa tropa tayo eh." Sabi ni Andy.

"Oo nga! Sasama kami. Payag naman parents namin, for sure. May bahay naman kami dun." Sabi rin ni Carl.

"Kami nang bahala kay Mr. Evans." Sabi ni Nate.

"Labas muna kami. May tatawagan lang."

Tumango lang ako at umalis na sila.

Hayys. Ang boring naman.

--------

Nakalabas na ako ng hospital at nandito na kami ngayon sa airport. Nandito na kami ngayon sa Pinas at hinihintay ang sundo namin.

"Sige mga bro, una na kami ni Carl. Kita na lang tayo sa photoshoot. Bye po Tita, Tito, Ate Danica, at Maine." Sabi ni Andy at nagwave na sa amin.

Pagkaalis nila, umalis na din kami. Sasabay samin si Nate kasi nandun sila Tita Ann at Tito Kai, parents niya.

Nakadating na kami sa bahay at umalis na rin 'yung Maine ba 'yun? Ewan ko. Pinilit siya nila Mom na sumama sa bahay pero umayaw siya sa susunod na lang daw kasi wala daw Mom and Dad niya.

Sinalubong kami ni Tita Ann at Tito Kai. May pagkain na ring nakahanda sa table.

"Musta ka na, Alden?" Tanong ni Tita Ann.

"Sabi po ng doctor, kaunti pa pong pahinga bago po uli ako pwedeng magwork."

"Buti naman at nagising ka kaagad." Sabi ni Tito Reiko.

"Oo nga po eh." Tapos napakamot ako sa batok ko.

"Nabagot kasi habang natutulog. Hahahahahahaa." Sabi ni Nate at napatawa ang lahat.

"Ulul." Sabi ko na lang.

Nagkekwentuhan lang kami dito sa sala pero nakaramdam ako na may tumitingin sakin.

Tumingin ako sa may bintana at nakita ko si Maine na nakatingin sakin ng malungkot?

Ano bang problema niya sa'kin?

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
(A/N: Medyo malapit na po sa ending. Hintay hintay lang po. Thanks po sa pagvovote at pagsupport. Love you all!!)

Pls. Read. Vote. Comment.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon