Chapter 50

182 11 2
                                    

Wedding Day

Third Person's POV

Ito na ang pinakahihintay ng lahat. Sobrang saya ng lahat ng tao na naghihintay sa simbahan. Lahat ay binabati si Alden.

"Congratulations, bro." Sabi ni Nate kay Alden na halatang kinakabahan. Lumapit naman sila Andy kay Alden.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Carl.

"Nagtanong ka pa, pre. Di ba halata sa mukha niya na kinakabahan siya?" Pang-aasar ni Andy kay Alden. Nagtawanan naman ang tatlo at si Alden ay napailing.

"Mapang-asar pa rin talaga kayo." Sabi ni Alden at nag-akbayan silang lahat.

Sa kabila naman, handang handa na si Maine, hinihintay na lang niya ang pagtawag sa kanya para pumunta na ng simbahan.

"Ang ganda mo, Bessie." Sabi ni Ella habang tinitingnan ang wedding gown ni Maine. Sumang-ayon naman sila Yumi at Carrie.

Napangiti naman si Maine.

*knock**knock*

Binuksan ni Carrie ang pinto at sumilip ang driver.

"Aalis na po tayo."

Tumayo na sila at lumabas na patungo sa sasakyan.

"Mauna na kami Bessie." Sabi ni Yumi at pumasok na sa sasakyan.

Sumakay na rin si Maine sa sasakyan at umalis na rin sila. Habang nasa sasakyan, nakatingin lang siya sa harap. Pinapanood ang bawat sasakyang dumadaan. Nang biglang....

"Manong, may truck!!!"

*scrrrrrrrrreeeeeeeeccccccccchhhhh*

*boogggggssssshhhhh*

Alden's POV

*clap**clap*

"Okay guys, parating na ang bride. Mag-ayos na kayo." Sabi ng organizer.

Biglang bumalik ang kaba ko. Ewan ko kung bakit. Sobrang kakaiba 'tong nararamdaman ko.

"Congrats Alden." Biglang sulpot nila Yumi sa gilid ko.

"Thanks." Yun lang nasabi ko dahil nagstart na kaming lumakad sa aisle. Hinihintay na lang namin ang bride. Kinakabahan pa rin ako.

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin si Maine. Ang dami ng nagbubulungan.

'Bakit ang tagal dumating ng bride?'

'Baka natraffic.'

'Ano kayang nangyari?'

Nagstop ang lahat ng magring ang phone ko.

"Hello?..... Ano?!...... Saang hospital yan???....... Papunta na ako."

(Play the music above)

Kung mawawala ka sa piling ko.
Hindi ito matatanggap ng puso ko
At bawat pangarap at biglang maglalaho
Mawawalang saysay ang mabuhay sa mundo

'Hindi pwedeng mangyari 'to. Hindi.'

Tumakbo na ako sa sasakyan at agad ko 'tong pinaharurot papuntang hospital. Tinanong ko kaagad ang nurse at sinabi niya na nasa ICU si Maine. Sinabi na rin niya yung room number.

Pumunta ako kaagad sa room niya. Pagkadating ko, nakita ko 'yung doctor.

"Doc, ano pong nangyari sa fiancee ko?"

"Malakas ang impact ng pagkakabangga ng sasakyan niya. She's in state of comatose." Sabi ng doctor at umalis na.

Kung masamang panaginip lamang 'to
Sana ako ay gisingin mo
At sa aking paggising, ako'y iyong yakapin
At sabihin mong ako'y mahal mo rin

Pumasok na ako sa kwarto niya. Nakita ko siya na ang daming nakabalot na benda sa ulo. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. Hindi ko na mapigilang umiyak.

Kung mawawala ka
Hindi ko makakayang
Harapin ang bukas ng nag-iisa
Kung ako'y iiwan mo paano na tayo
Sayang ang pangako sa isa't isa
Kung mawawala ka

"Alden." Tumingin ako sa likod ko. Nakita ko ang pamilya ko at ni Maine pati na rin ang barkada. Lumapit sila sa akin.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Nate.

"Nabangga yung sasakyan na sinasakyan nila." Sabi ko habang nakatingin kay Maine. Nanahimik na lang sila. Umalis ang parents ko at ni Maine para kausapin ang doctor.

"Menggay, lumaban ka ah? Huwag mo kaming iiwan. Huwag mo akong iiwan. Hindi ko kayang mawala ka. Lumaban ka. Nandito lang ako. Di kita iiwan."

Hinalikan ko ang kamay niya. Nang biglang nag straight line ang heartbeat niya.

Kung mawawala ka
Hindi ko makakayang
Harapin ang bukas ng nag-iisa
Kung ako'y iiwan mo paano na tayo
Sayang ang pangako sa isa't isa
Kung mawawala ka

Tinawag na nila ang doctor. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Maine. At lalo akong napaiyak.

"Menggay, wag ka namang ganyan. Wag mo kaming iwan. Kailangan ka namin. Kailangan kita. Please. Lumaban ka."

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
(A/N: Sorry po sa sobrang late na UD. Eto po pambawi ni Author. Hope you understand.)

Pls. Read. Vote. Comment

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon