Chapter 1

561 12 0
                                    


"Tine, okay ka ba talaga dito? Baka mahirapan kang makipagsalamuha sa iba?" Nag-aalalang tanong ni Tatay sa akin. Napangiti naman ako sa kanya.

"Nako Tay! Pareho lang kaming tao dito, pareho kaming kinakain at sino sila para apihin ang mahirap na katulad ko diba?" Proud na proud kong sabi. Ngumiti din si Tatay sa akin.

"Oh siya sige, pasok ka na para makabukas na ako ng shop" Sabi nito.

Nagpaalam naman ako sa kanya at masayang pumasok sa University. First year college, handa na kaya ako?

Scholar lang ako dito, gobyerno ang nagpapaaral sa akin kasi may Ninong akong mayor. Si Tatay kasi sa bakery lang nagtatrabaho, sa bakery din ang bahay namin. Hindi naman kaliitan, kasya lang kami at hindi pa naman nagbabanggaan sa loob ng bahay. Wala naman akong Nanay, na sa Japan yun. Iniwan kami ni Tatay dahil sa naghirap na daw kami.

"Gomez, Celestine Marie" Tawag ng Prof namin. Tinaas ko naman ang kamay ko sabay sabing present.

First day, orientation day.

Natapos ang dalawang sunod kong subject na ganun lang. Grading system, requirements at iba pa. Doon lang ang usapan. Inayos ko naman ang floral kong crop top at kinuha ang bag ko para makakain. Mamaya na lang ako maglibot libot sa campus.

100 pesos lang ang baon ko sa isang araw. Kakasya to sa akin, noong high school nga 50 pesos lang umaabot pa ng ilang araw.

Bumili naman ako ng 10 pesos na juice at dalawang waffle. Okay na 'to, uuwi din naman ako kapag vacant ko ng 12:30 para maka lunch.

Habang nakaupo, nagmamasid masid lang ako sa paligid. May mga babaeng nakwe-kwentohan at nagtitilian, may mga lalaking nagtatawanan, at may halong-halo pang magkakaibigan.

Gusto ko kapag magkaibigan ako, yung sakto lang. Hindi OA, hindi RK. Hindi ako makakasabay sa kanila. Kung may ibubuga ako, yun ang yung pagiging matalino ko na lang siguro?

"Excuse me, can I sit here? No available seat kasi" Sabi ng lalaking nakatayo ang buhok, naka simpleng itim na t-shirt at jeans lang.

"S-Sure" Sabay ngiti ko. Ngumiti din siya at umupo. Kumakain lang ako doon at patingin tingin lang sa paligid.

"Uhm. You look familiar" Sabi ng nakaupo sa harap ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Really?"

He nodded. "Anong section at course mo ba?" Tanong ko.

"Business Administration 1-C" Sabi niya.

Napangiti naman ako at kinuha ang enrollment form ko sa gilid at hinarap sa kanya.

"Blockmates pala tayo" Sabi ko.

"Kaya pala!" Natatawang sabi niya. His laugh is contagious!

"Cyril nga pala" Sabay lahad niya ng kamay.

"Tine" Tanggap ko naman doon.

And that's how Cyril Ferguson and I got close. Sa 2 weeks na yun siya yung kasama ko, matalino ito sobra! Kaya hindi mahirap kapag may quizzes kami kasi kapag magre-review ako, ganun din siya. Walang destructions pareho.

"Hatid kita, Tine?" Tanong nito habang palabas kami ng last subject namin.

"May sasakyan ka na?" Tanong ko.

Umiling naman siya. "Sa Kuya ko"

May Kuya siya? Well, sa 2 weeks na magkasama kami hindi naman kami nag-uusap sa buhay namin personally talaga. Napag-uusapan namin yung, expectations dito, kung bakit ganito ang course, yung mga noong highschool at iba pa.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon