"Happy birthday Ate Tine!" Bati ni Kennedy sa akin. Yumakap pa ito sa akin sabay bigay ng regalo.
"Thank you, Kennedy" Sabi ko.
"I hope you like it!" She said. Halos nilibot ko ang mga bisita ko, hindi ko alam kung paano sila naimbita ni Denzel. Sabi kasi nila si Denzel lang daw ang may plano lahat lahat.
Na sa isang table ang pamilya ni Denzel at si Tatay.
"We can lend on you, Arnold. Wala namang problema sa amin iyon, we would like to help you build your cake and pastries" Sabi ni Tito Kendrick kay Tatay. Sa pagkakaalam ko matanda ng ilang years ang Tatay ko sa kanila o mag kasing edad lang sila.
Sabi kasi ni Denzel at Cy sa akin, 23 years old kasal na parents nila.
"Nako wag na Sir Kendrick. Masaya naman kahit maliit na pananderya lang makakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. At baka malubog ako sa utang, nakakahiya iyon sa inyo kapag hindi ko mabayaran" Sabi ni Tatay.
"Even a starting up business?" Tito Kendrick.
Umiling naman si Tatay. "Malapit na din naman mag graduate si Celestine. May scholarship din naman siya, at tsaka hindi naman kami nagigipit. Hindi naman kasi maluho si Tine, at nakakaintindi siya ng sitwasyon namin" Nakangiting sabi ni Tatay sabay tingin sa akin, ngumiti din ako sa kanya.
"If ever you changed your mind, just contact Denzel. We are really want to help" Tito Kendrick.
Halos nag-usap naman sila. Nag-uusap din kami ni Denzel.
"Naghintay ako ng text mo kanina" Sabi ko kay Denzel. Natigil naman siya sa pagkain at humarap sa akin.
"I got pressured. I'm sorry. Baka kasi hindi ko ma invite lahat at may iba kasing hindi pa na deliver on time kanina" Sabi niya.
"Hindi mo naman kailangan ng ganito pa, Denzel eh" Sabi ko.
"Sabi mo ayaw mo ng engrandeng party, kaya haponan nga lang diba?" Hinampas ko naman siya sa braso.
"Hindi pa ba engrande 'to!?" Sabi ko. Tumawa naman siya.
"Kung engrande 'to, sana may mga Masters of Ceremony, may napakalaking cake ka diyan sa gitna, nakasuot ka ng mamahaling ball gown, madaming bisita, at higit sa lahat hindi dito" Sabi niya. Hinampas ko ulit siya.
Para sa akin napaka engrande na 'to. Isang mamahalin at sikat na restaurant 'to. Ang gaganda ng nakapalibot. Red kung red. Nararamdaman ko na talaga na ang legal ko na.
"Ayaw din kasi ni Tito Arnold eh. Hindi siya papayag kung ganun ang celebration. Ito lang daw ang gusto niya kasi ito lang daw ang gusto mo" Tumango nama ako sa kanya.
"Isang gabi lang naman. Hindi naman kailangan gumastos" Sabi ko.
"You're very special, Celestine. You deserve more than this" He said. I pinched his nose, hinawakan niya namana ng kamay ko at inalis iyon sa ilong niya.
"This is more than enough, Denzel. You are more than enough" Para akong kinilig sa sinabi ko.
Umiwas naman ng tingin si Denzel sa akin. "Kain ka na" Sabi niya at namumula ito. Tinawanan ko naman siya.
"Kuya, you are red" Sabi ni Kennedy sa gilid niya. Mas lalong lumakas ang tawa ko. Nakuha iyon ang atensyon ng nasa mesa namin. Tiningnan siya ni Tatay, ng mga magulang niya at ng mga kapatid niya. Mas lalong namula si Denzel.
"Masama ba pakiramdam mo hijo?" Tatay.
"Kinikilig lang yan Tay" Sulpot ko. Masama naman akong tiningnan ni Denzel. Binelatan ko naman siya.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Teen FictionLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...