"Tine!" Sigaw nina Pidz sa akin ng nakita nila akong tumatakbo sa hallway ng ospital.
"Saan si Tatay?" Naiiyak kong sabi.
Naiiyak na din sila. Kahit ang mga magulang ni Pidz umiiyak na. Niyakap naman ako ni Pidz ng sobrang higpit. Pumipiglas ako at nagpa-panic na.
"NASAAN SI TATAY!?" Naiiyak kong sigaw.
"Tine.." Sabi ng Mama ni Pidz at lumapit sa akin.
"Tita.. Nasaan?" Naiiyak kong sabi. Ngayon lang ako umiyak ulit ng ganito kalakas. Parang sanggol na iniwan.
"Tine hija.." Tawag na naman ni Tita.
Kahit si Pidz ang lakas ng iyak.
"D-Dea-Dead on arrival ang tatay mo."
Sa salitang iyon, parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Parang nawalan ako ng buhay. Parang kinuha lahat sa akin. Parang pinagkait ang isang pamilya sa akin.
"Po?" Naiiyak kong tanong.
Hindi! Nagkakamali sila!
"Wala na ang Tatay mo Tine..." Naiiyak na sabi ni Tita sa akin.
Napahagulhol ako sa iyak, napaluhod ako doon habang tinitingnan ang pinto kung nasaan si Tatay.
Bakit ganito? Tatay na lang ang meron ako, tapos kinuha pa? Hindi ko to makakaya na wala siya! Paano na ako araw araw? Paano na yung sarili ko? Paano yung pangarap ko para sa amin ng Tatay ko? Ga-graduate pa ako na andiyan si Tatay! Lilibutin pa namin ang mundo! Itatayo ko pa siya ng Cakes and Pastries niya!
"Tine.." Madaming boses ang tumawag sa akin ng ganun, sumabay si Pidz sa pagluhod sa akin at niyakap ako.
Mahigpit ang hawak ko sa damit ni Pidz at naiiyak doon.
"Ang tatay ko... Si Tatay, Pidz... Si Tatay.."
"Tine.."
Masaya pa kami kanina! Nag-uusap pa kami kanina! Sinasabihan pa niya ako kanina na huwag awayin si Denzel! Kasama pa namin siya kanina! Pinagbalot pa niya ako ng mga gawa niya!
Mas lalo lang lumakas ang iyak ko. Kahit mga kaibigan ko dumalo na sa akin, naiiyak pa din ako.
Hindi ko kaya ito. Bakit ganito!? Ang unfair! Sobrang unfair! Bakit ang iba, naiinis sila sa mga magulang nila pero kumpleto? Samantalang ako, gusto ko ng buong pamilya pero hindi maibigay sa akin. Bakit ganito ang buhay sa akin? Wala naman akong ginagawa! Mas sobra sobra pa ang nagagawa ng mga rapist, drug pusher, drug addict, murderer, at iba pa sa akin pero bakit sila ang saya at kontento sa buhay nila? Bakit ganoon? Samantalang ako, 18 and very broken. Nawalan na ng Ina, nawalan pa ng Ama.
Hindi para sa akin ang buhay na 'to.
***
Nagising ako sa isang kwarto.
Inisip ko na panaginip iyon, pero ang namamaga kong mga mata, ang tao sa paligid ko ang pruweba na totoo iyon.
"Tine.." Tawag ni Pidz sa akin.
"Si Ta-Tatay?" Tanong ko.
Tumayo naman ako sa pagkakahiga. Bakit na sa bahay na ako? Na sa ospital pa ako kanina.
"Na sa morgue na si Tito Arnold Tine" Sabi ni Pidz na nagpaiyak na naman sa akin. Natigil sa pag ta-trabaho ang mga magulang ni Pidz ng narinig nila ang iyak ko. Nililinis nila ang bahay at naglalagay ng puting kurtina doon.
"Tine.." Sabi ni Pidz at dumalo sa akin.
"Nahimatay ka sa sobrang iyak kanina. Hinatid ka nila Cyril dito. Pumunta din si Denzel dito, siya na yung bahala sa nakabangga kay Tito Arnold" Sabi ni Pidz.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Teen FictionLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...