Chapter 8

326 8 0
                                    


"Cy!!! Ayan na Kuya mo. Bilis na! Invite him din!" Sabay tulak tulak ni Rona sa kanya.

"Hindi sasama yan" Sabi ni Cyril.

"Hindi mo pa nga sinusubukan!" Sabi ni Rona.

"Hindi nga kasi sasama yan. Mag pa-party yan" Sabi nito.

"I heard merong foam party sa Saturday night" Dagdag ko. Come on, hindi na kami ulit nag-usap ni Denzel at nagpansinan. Dapat wag na siyang ulit lumapit sa akin baka kasi kapag umulit siya, magugustuhan ko na naman siya.

"Cy naman eh. Birthday ko sa Sunday diba? Come on, yan na lang ang gift mo. Just invite him! Wala namang mawawala eh. If papayag siya, then go. If hindi, then okay. Atleast we tried" Sabi pa nito.

Knowing Rona, hindi talaga 'to titigil. Tumingin naman si Cyril sa akin. Kung hindi alam ni Cyril ang naramdaman ko noon sa kapatid niya, papayag ito sa kagustuhan ng kaibigan namin.

"Sige na Cy. Try" Sabi ko at ngumiti ng pilit sa kanya.

He sighed. "Okay. Let's go" Sabi nito.

Na sa likod namin si Rona at Ashley nagtitilian habang palapit na kami kay Denzel na nakasandal sa kotse niya. Sumasabay pa rin naman kasi si Cyril umuwi sa kanya.

"Kuya" Tawag ni Cyril. Napatingin naman si Denzel sa amin. Umiwas naman kaagad ako ng tingin. Ngayon lang talaga ulit kami nagkalapit ng ganito!

Hindi ko alam kung nakikita din ba niya ako, kasi ako oo kahit malayo nakikita ko siya. Example, kapag sabay kaming lumalakad ni Cyril palabas, malayo naman ang pwesto ko sa pwesto niya pero napapatingin pa din ako sa kanya.

"Let's go Cy" Aya niya dito.

"Hmm. My friends want to invite you" Sabi ni Cyril, napatingin naman si Denzel sa pwesto ko. Ayan na naman ang lintek kong puso, tumibok na naman ulit. Bitch! Nanahimik ka na ng ilang buwan ah, tapos ngayon babalik na naman!?

"Rona and Ashley" Pakilala ni Cyril sa kanila. Pumula naman ang pisnge ni Rona.

"Nice meeting you" Sabi ni Denzel sa kanila. Kinilig naman ito. Napahawak naman ako sa braso ni Cyril, damn it! parang anytime, babagsak ako.

Sinundan ko naman ang tingin ni Denzel, at nakatingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso ni Cyril. Kinagat ko naman ang labi ko at dahan dahan itong binaba.

"Uhm. Denzel, we planned kasi na mag Ba-Batangas on Saturday. My friend Rona, wants to invite you kasi eh" Sabi ni Ashley.

Paiwas iwas naman ang titig ko. Hell. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Nako Ash, hindi sasama yan"  Sulpot ko.

Bakit ba? Gusto ko magpapansin eh!

Tumaas naman ang kilay ni Denzel sa akin. Siguro, iniisip niya na Hindi naman kami close neto.

Tumikhim naman si Cyril.

"So Kuya? Rona just tried to invite you though"

"You don't want me to come, Celestine?" Tanong nito sa akin. Mas dumoble naman ang tibok ng puso ko.

Pinansin niya ulit ako!

"Hi-Hindi naman sa ganun but diba? May dates ka pa and---"

"I am going. Thanks for inviting. Let's go Cy" Sabi nito at pumasok na ng kotse niya. May ngisi sa labi nito.

Ayan kasi Tine eh, pagti-tripan ka naman niyan kasi sumali ka pa!

***

"Okay lang ba ang suot ko sister? Para maakit ko laters si Papa Denz" Sabi ni Pidz sabay pakita sa akin ng likod niya.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon