Chapter 15

308 7 0
                                    


"Bitawan mo nga ako Arnold! Sawang sawa na ako! Nauubos na yung pera natin! Akala ko mapapalago mo yang bakery na meron ka!? Pinaglaban kita sa mga magulang ko kasi sabi mo bubuhayin mo ako! Eh tangina naman eh! Wala pala akong nakuha!" Sigaw ni Mama kay Tatay.

Nakaupo lang si Tatay sa sofa habang nakatayo si Mama. Ako naman nagtatago sa gilid para tingnan silang dalawa.

"Maris! Hindi mo alam ang mga sinakripisyo ko din! Maghahanap pa ako ng trabaho!" Sigaw ni Tatay sa kanya.

And again. They're fighting about the money.

"Tama na! Lubog na tayo sa utang na dalawa! May exam pa si Tine sa susunod na buwan! Saan tayo kukuha ng pera!?"

Money is really root of all evil. Bakit ba pera na lang ang nagpapatakbo sa buhay ng tao? Ilang beses ko na rin sinabihan sa Mama na sa public school na lang ako mag-aral pero ayaw niya dahil daw lahat ng mga anak ng kaibigan niya na sa private school.

"Mag pro-promissory note ako! May natitira pa akong pera para sa exam ni Tine sa susunod na buwan!" Sabi ni Tatay.

"No! No! Nakakahiya sa mga kaibigan----"

"Maris!!!" Natigil si Mama sa sigaw ni Tatay. Napaiyak naman ako habang nagtatago.

Nag-aaral nga ako ng mabuti para kapag nagtrabaho na ako mabigay ko lahat sa kanila. I won't work for money because money will work for me.

"Yan kasi ang problema sa'yo! Ayaw mong magpahuli diyan sa mga kaibigan mo! Lahat ng mga kaibigan mo hapon ang mga asawa!" Sabi ni Tatay. "Bakit ka ba nakikisabay sa kanila!? Bakit mo gustong sumabay si Tine sa kanila!? Hindi ka ba kontento kung ano ang meron tayo!?" Dagdag ni Tatay.

"Anong meron tayo, Arnold!? Isang maliit na bahay!? Tricycle ang service!? Bakery ang puhunan!? Ano Arnold!? Sabihin mo nga kung hindi dapat 'to ikahiya! Pesteng buhay 'to! Kung sana pala nalaman ko na ganito lang makukuha ko sa'yo! Edi sana hindi na ako sumama sa'yo! Ininda ko yung sakit na magkakalayo tayo! Kaysa dito!" Sigaw ni Mama.

Hindi naman sumagot si Tatay. Napasabunot lang ito sa buhok niya at napahilamos sa mukha niya.

Ng tiningnan ko si Tatay, mas lalo akong naiyak. Hindi alam ni Mama kung ano ang ginagawa ni Tatay. Hindi niya alam kung ilang beses pabalik balik ang ginagawa ni Tatay para lang matingnan ang mga bakeries. Alam din ba niya na may dalawang binenta na si Tatay na bakery para lang makasama kami sa outing ng mga kaibigan niya? Hindi alam iyon ni Mama dahil puros sarili niya lang ang iniisip niya!

Masaya ako ng umuwi sa bahay, dahil friday at wala ng pasok bukas.

"Sige sister! Pasok na ako!" Paalam ni Pidz sa akin. Kumaway naman ako sa kanya.

Pagpasok sa bahay, sigawan na naman ang narinig ko.

"Tama na Arnold! Tama na! Sasama na ako kay Nishura!" Sigaw ni Mama. Dali dali naman akong lumapit sa kanilang dalawa. Nakaluhod  si Tatay sa harap niya habang yakap yakap siya. May isang malaking maleta sa gilid na hawak hawak ni Mama.

"Hindi Maris. Hindi! Maghahanap ulit ako ng trabaho"

"Tama na! Tama na! Maganda ang buhay na meron ako sa kanya! Isasama ko si Tine sa---"

"Hindi. Hindi ako sasama" Sulpot ko. Napatingin naman silang dalawa sa gawi ko.

"Tay, tumayo ka na diyan" Lumakad naman ako kay Tatay at pinapatayo siya pero umiiling lang ito sa akin.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon