Umupo lang kami ni Denzel sa may stairs malapit kung saan niya ako hinatak. Hindi ako pumasok sa first period ko, mamaya na lang.
Sobrang namamaga ang mga mata ko. Wala na bang katapusan 'to?
Hindi naman kami nag-uusap. Binigyan niya ako ng panyo kasi ayaw kong siya mag punas kaya binigay niya na lang. Nakakainis kasi kapag nilalapit ko ang panyo sa mukha ko naamoy ko talaga ang pabango niya!
"Celestine.." Tawag niya.
Hindi naman ako sumagot.
"Baby..." Sabi niya sabay hawak sa braso ko. Hindi naman ako pumiglas hinayaan ko lang siya, lalong lumapit si Denzel sa akin at niyakap ako. Nilagay niya ang baba niya sa balikat ko.
Kung may makakakita sa amin dito siguro iisipin nila na si Denzel ang patay na patay sa akin, pero kasi para sa akin, ako yung patay na patay sa kanya eh.
"Baby, I am sorry. I am really really sorry. Please forgive me"
If I could go back and tell myself what I've learned now, I would say to stop chasing the thought that he will change and be better next time. I would say to stop chasing the idea that things have to be certain way to be perfect.
"Matagal mo na ba 'yan ginawa Denzel? O nagawa mo lang kasi naibigay ko na ang sarili ko sa'yo?" Tanong ko na natatakot. Lumuwag ang yakap ni Denzel sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang expression niya. Bigla, galit, inis, at lungkot.
"Do.. Do you.. Do you think ganun ang habol ko sa'yo, Celestine?" Mahinang tanong niya. Umiwas ako ng titig.
Sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit.
"Celestine.." Tawag niya pero nanatili ang mga bisig niya sa bewang ko. Hindi na mahigpit pero nakayakap pa din.
"So-Sorry" Sabi ko.
"Kung ganun yung habol ko, noon ko pa nakuha yan sa'yo at iniwan ka. Kung ganun lang din naman sana hindi na kita hinahabol habol ngayon. Hindi kita susundan at susuyuin, Celestine. Damn it! Don't think like that! Don't be like the rest of them" Napapikit naman ako at napaiyak.
Gusto kong yakapin si Denzel pero hindi ko magawa.
Ng naramdaman kong aalisin ni Denzel ang kamay niya sa akin, mabilis ko siyang pinigilan. Gusto ko aandoon lang 'yun! Gusto ko kahit hindi mahigpit nakayakap lang din siya.
"Hold me" Sabi ko. I sound pathetic here!
"Bullshit!" Mura niya at niyakap ako ng mahigpit. Binaon niya ako sa dibdib niya at humagulhol ako doon.
Tanging hikbi ko ang naririnig namin doon. Mabuti nga at wala pang bumaba at umaakyat. Nasa dulo kasi ito kaya wala masyadong dumadaan.
Ilang beses hinalikan ni Denzel ang ulo ko.
"Sorry. Sorry. Sorry" Pulit-ulit kong sabi.
Ang pangit ng inisip ko sa kanya kaya matatanggap ko kung magagalit talaga siya sa akin.
"Are we okay now?" He asked as he held my both cheeks. I nodded.
"I love you" He said and gave me a quick kiss on my lips. "So much, Celestine."
"I love you more Denzel. Please don't do that again.. Please..."
Nanatili lang muna kami doon. Hindi kami masyadong nag-usap. Nang may narinig kaming tawanan, tumayo naman kami kaagad.
"Denzel mah man!" Sabi ng isang lalaki na nakatayo ang buhok at matangkad. May mga kasama ito. Mga babae at lalaki din. Mga lima sila.
"Yow Fred" Sabi ni Denzel at nag man to man hug doon sa Fred at sa iba pa. Kumaway naman ang mga babae sa kanya at tumango.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Dla nastolatkówLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...