Chapter 6

321 7 0
                                    

Halos hindi kami nag-imikan ni Denzel sa Engineering night nila. Civil Engineering pala siya, 5 year course huh?

Isang oras lang ang tinagal namin doon ng hinatid niya ako. Kahit pasalamat sa paghatid hindi ko sinabi sa kanya. Dire-diretso lang ako.

Nagdadaanan kami sa hallway minsan, hindi niya ako pinapansin. Isang beses, nakatambay ako sa 7/11, tapos pumasok siya may kasamang babae. Tinaponan niya lang ako ng titig tapos hindi pinansin.

Isang beses, umuulan at wala akong payong, at ganun din siya. Pupunta siguro siyang parking lot, naghintay naman akong tawagin niya ako o kulitin pero ganun pa din, ng nakakita siya ng kakilala niyang babae sumabay siya doon.

Aminin ko man, nakakamiss pala yung pangungulit niya.

"HOY TINAY!"

"Ay Don Denzel!" Sigaw ko ng nabigla ako. Tumaas naman ang dalawang kilay ni Pidz sa akin.

"Wag ka ngang mang gulat!" Sigaw ko sa kanya at hinampas ito. Binatokan niya naman ako.

"Lutang ka Te! Anyare!? LQ kayo ni Papa Denz?"

"Hindi no! At isa pa, sino yan?" Taas kilay na tanong ko. Eww, amoy bitter.

"Tse! Tara na at mamasyal!" Sabi nito.

Namasyal naman kami ni Pidz sa mall, hindi naman kami mapera katulad ng iba na kapag mag ma-mall may bibilhin kaagad. Nag ma-mall kami para maka bonding din kaming dalawa. Minsan din naman kami magkita dahil may pasok din siya, magkaiba kami ng university, IT ang course niya.

"Diba si Papa Denzel iyan!?" Sigaw nito at may tinuro. Inirapan ko naman siya at hindi pinansin.

Kung bakit kilala niya ang mukha ni Denzel, ay dahil sa kaka-stalk din niya dito sa FB. At isa pa, sinabi ko naman kay Pidz ang nangyayari sa amin ni Denz, ayun binatokan ako. Bakit ko ba daw naisip na pinagt-tripan ako nun, sana sakyan ko lang daw dahil good catch. Ayun binatokan ko siya ulit, ano ako gaga?

"Tumigil ka nga, Pidyong" Sabi ko.

"Miss mo lang eh!" Asar nito.

Naman, sinong hindi makakamiss na walang asungot na nanggugulo sa'yo? Na nanghihila sa'yo?

"Tine!" Natigil naman ako sa paglakad at hinigit si Pidz ng may tumawag sa akin na pamilyar na boses.

"Cyril!" Tawag ko sa kanya at kumaway. Lumapit naman ito sa akin.

"Saan ka? Sama ka samin, magmi-miryenda kami" Sabi nito. Umiling naman ako.

"Sige lang, kasama ko kaibigan ko. Pidz, si Cyril kapatid ni Denzel. Cy, si Pidz kaibigan ko" Sabi ko. Ngumiti naman si Cyril at naglahad ng kamay sa kanya, mukhang kinilig naman ang kaibigan kong bakla at parang walang planong alisin ang kamay niya doon.

"Eh eng gwepe me nemen, sendeen me den se Tine se behey nele" Sabi nito. Kumunot naman ang noo ni Cyril sa kanya?

"Sorry, what were you saying?" He asked. Siniko ko naman si Pidz at pinandilatan.

"Nako wag mong pansinin. May sakit kasi yan eh"

"Really? What kind of illness? Get well soon" Sabi ni Cyril at tinapik si Pidz sa balikat. Hinawakan naman iyon ni Pidz ang kamay niya at tumango tango pa ito.

"Cancer of kalandian stage 5" Sabi ko. Napatingin naman si Cyril sa akin, mabilis naman akong binatokan ni Pidz.

"Aray!" Reklamo ko dito. Tumawa naman si Cyril.

"Maka stage 5 ka naman diyan! Stage 3 pa lang friend!" Sabi nito.

"Tse! Malandi pa rin" Sabi ko sabay belat.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon