Chapter 22

307 7 0
                                    

Boyfriend <3 calling...

Inabot ko naman ang cellphone ko at sinagot iyon habang ang mga mata ko ay nasa harap pa din ng libro ko.

"Hey, where you at? I miss you" Sabi ni Denzel sa kabilang linya. Napangiti naman ako.

"Grabe! Isang oras at kalahati pa lang ang lumipas" Natatawang sabi ko.

May pasok kasi siya kanina at ako naging vacant ko. Naging iba na ang schedule namin ni Denzel ngayong second semester.

Tatlong buwan ang lumipas ng sinagot ko siya. Smooth ang relasyon namon. Hindi kami nag-aaway na dalawa, siguro kapag nag-iinarte ako nag-aaway kami. Palagi kaming magkasamang pumaosk at umuwi.

May pareho kaming 9:30am na pasok everyday, pero 7:30pm pa yung dismissal ko habang siya ay hanggang 6:30 lang. Palagi niya akong hinihintay ng isang oras.

Madami kasi ang vacants kaya may night class ako.

"Saan ka nga?" Sabi niya.

"Sa Caf. May tinatapos lang ako, chine-check ko lang ang answers ko" Sabi ko.

"2 minutes, I'm there" He said.

"Wait..." Sabi ko.

"Yes?" Malambing niyang sabi.

"Pabili ng milo sa vendo ah? Bayaran kita dito. Salamat! I love you!" Sabi ko.

"Alright.  I love you too"

Kahit ilang beses kong binibigay sa kanya ang bayad ko sa mga pinabibili ko hindi niya tinatanggap. Nagagalit ito sa akin.

"Hi Tine" Napatingin naman ako sa lalaking tumawag sa akin at huminto sa gilid ng mesa kung nasaan ako.

"Uy Christian!" Sabi ko. "Papunta na si Denzel dito" Dagdag ko.

Siya yung best bud ni Denzel. Si Christian Co. Naging close kaming dalawa dahil minsan sumasama siya kay Denzel o minsan pinupuntahan ko sila sa tambayan nila kapag vacant ko. Halos mga kaibigan ni Denzel kilala ko na. Ang iingay nga nila palagi.

"Good to hear then. May pag-uusapan kami eh. Idadaan ko sana sa'yo so since pupunta siya, sa kanya na lang" Nakangiti nitong sabi na nagpawala ng mga mata niya. Intsik kasi kaya maliit ang mga mata.

"Hindi ba kayo magkasama sa klase?" Tanong ko.

Umiling naman siya. "Nag irreg siya sa ganitng subject diba?" Sabi niya. Tumango na lang ako.

May isang subject nga pala si Denzel na nag irreg siya para daw ang sched niya sa ganitong subject ay maging vacant niya at para magkasama kami.

"Wala kayong pasok?" Tanong ko.

"Meron. Papalate lang ako ng 10 minutes" Natatawang sabi niya.

Dumating si Denzel na may ice milo. Sa sobrang takam ko, mabilis ko iyon naubos. Busy silang dalawa sa kwentohan habang ako nag che-check pa din ng answers ko.

"Dude kahit isang gabi lang. Birthday ko yun e. Papayag naman si Tine. Diba Tine?" Baling ni Christian sa akin.

"Huh?" Parang tanga kong tanong.

"Stop it, Christian. Ayaw ko nga. Mag-aaral ako" Sabi ni Denzel. Ng natapos ako sa pag check ng answers ko, sinara ko naman ang libro ko at sumandal kay Denzel.

"Ano ba yan?" Tanong ko dito.

"Nothing. Kain na tayo?" Tanong niya.

"Oh boy!" Sabi ni Christian. Nakakunot lang ang noo ko na pabalik balik ang tingin sa kanilang dalawa.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon