Dumaan ang dalawang araw. Masakit isipin na tinaboy ko si Denzel pero yun ang paraan para makapag-isip muna ako.
Alam niyo yung feeling na, gustong gusto mo siya hilahin at sasabihin na Okay na ako kahit nasasaktan. Pero kakayanin ko, maging okay lang tayo. Sa'yo pala ako sasaya. Hindi ko din kayang mag-isa. Kaso hindi. Hindi iyon kadali.
"Tinay! Saan ka pagkatapos?" Tanong ni Ashley sa akin.
Wala kaming classes sa dalawang subject kaya early dismissal kami. Umalis naman si Rona para makipag kita sa boyfriend niya habang si Cyril umuwi kaagad sa kanila.
"Uuwi na siguro muna. Pagod ako eh" Sabi ko.
She tilted her head and looked at me. "Umiiyak ka na naman ba?"
Umiling naman ako.
She shrugged. "Actions may lie, but your eyes can't, Tine" She said.
"Naninibago pa kasi ako" Sabi ko.
"Naninibago? Na wala si Denzel? Na ngayon nagdadaanan na lang kayong dalawa? Sa anong paraan kang naninibago, Tine?" Tanong niya.
Lumalakad kaming dalawa palabas ng University. Napapatingin ako sa mga taong nadadaanan namin. Tinitingnan ko ang malapad na oval na nakikita ko. Ang sobrang lawak, sana ganyan din kalawak ang pag-iisip ko para hindi ako agad agad nag co-conclude at hindi nasasaktan. Kaso kitang kita ko iyon, masisisi ba nila ako kung ganun ang naging desisyon ko?
"Sa paraang..." Sabi ko at tiningnan si Ashley. Nakatingin lang si Ashley sa akin. "Naninibago ako sa paraang... Hindi ko na alam ang salitang saya ng nawala siya... Hindi ko na alam kung paano ko tataposin ang araw ko na palaging wala sa sarili... Alam mo yun, Ash? Yung pilit kang lumalaban, umaaway ang puso't isip mo pero hindi mo alam kung sino sa kanila ang susundin mo." Dagdag ko.
Tumigil naman si Ashley sa paglakad at hinawakan ako sa kamay at lumakad siya habang hila hila ako. Walang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa nakarating kami sa gilid ng oval na wala masyadong tao na may mga puno at benches.
Umupo naman si Ashley doon at may nilabas sa bag niya, binigay niya sa akin ang box ng tissue niya. Kinuha ko lang iyon kahit hindi pa naman ako umiiyak.
"Tine, I know how you love Denzel. Nakikita ko palagi sa mga mata mo kung ano mo siya kamahal. Sa tuwing magkasama kayo, nararamdaman namin ang saya mo. Tine, may mga bagay na kailangan bitawan at may mga bagay na kailangan ipaglaban. Sa iyo na lang iyon kung ano ang pipiliin mo. Kung sa Economics pa, opportunity cost yan diba? Kailangan kang may i-give up, you need a choice." Piniga ang puso ko sa sinabi ni Ashley. Magiging isang linggo na at ngayon ko lang narinig si Ashley na ganito kalalim ang sinasabi sa akin.
"Ano kaya ang opportunity cost dito? Ako at siya? Pipiliin ko ang sarili ko tapos siya ang bibitawan ko? O siya ang pipiliin ko at ang sarili ko ang bibitawan ko?" Nakangisi kong tanong.
Seryoso lang ang titig ni Ashley sa akin.
"Tine, hindi ikaw at si Denzel. Hindi ang sarili mo o pag-ibig mo sa kanya. Pipiliin mo ang sarili mo, sasaya ka ba talaga na wala si Denzel? May possibility diba? Pero hindi mo alam kung kailan yan. Kung si Denzel pipiliin mo hindi mo naman mawawala ang sarili mo. Kasi alam ko Tine na sasaya ka din sa piling ni Denz--"
"You don't get the point, Ash. I want to love myself first--"
"No Tine! Denzel already loves you. All your flaws. Your everything" Hindi naman ako sumagot sa kanya.
Noong isang araw pa ito tumatakbo sa isip ko. Kung totoong mahal ako ni Denzel hindi niya iyon magagawa. Hindi siya hahalik ng babae. Kung hindi ko pala iyon nakita, niloloko niya pa rin siguro ako. Sa mga nagdaang buwan ba ganun pa din siya? Nanghahalik din ba siya ng lalaki?
I lost myself because I love him but I don't regret losing it.
"Tine, matalino ka, pero sa pag-ibig nasusukat ang pagiging matalino mo. Hindi lahat ng tao matalino sa pag-ibig Tine. Minsan kailangan mong mag desisyon na mali dahil alam mo sa sarili mo na sasaya ka dito."
Why people think only for happiness? Kasi hindi ito mabibili? Kahit walang wala ka basta't masaya ka, parang nagwawagi ka na rin sa buhay? Pwede diba?
"I just want to spend time with people who make me happy" I said. Ashley held my both hands. Pinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko na nakapatong sa tissue ng box.
Umiinit na ang sulok ng mga mata ko. Gusto kong umiyak muli. Naiisip ko na naman ang mukha ni Denzel. Ang bawat salita niya, ang bawat yakap niya, ang amoy niya, ang lahat lahat sa kanya.
"And Denzel doesn't make you happy?"
Naisip ko ang mga panahong sobrang saya ko na kasama si Denzel. Mga tawa ko na hindi mabibigay ng sinong lalaki. Ang saya sa puso ko na nakikita ko siyang nakikipag-usap kay Tatay, at madami pang iba.
Hinayaan ko lang lumabas ang luha sa mga mata ko. Pilit akong ngumiti kay Ashley.
"Siyempre pinapasaya niya ako, Ashley. God knows how happy I am with Denzel. Kung pwede nga wala ng hangganan sana eh. Gabi gabi dinadasal ko na si Denzel na sana. Gabi-gabi nagpapasalamat ako dahil may Denzel Ferguson ako sa buhay ko."
"Tine.."
"Mahal ko naman si Denzel eh. Mahal na mahal. Hindi ko lang natanggap ang ginawa niya. Sobrang sakit ng nakita ko, Ashley. Sobra sobra" Pinikit ko ang mga mata ko at napahagulhol na naman sa iyak.
Naalala ko naman kung paano lumapit si Denzel sa babae at hinalikan iyon. Wala akong laban. Wala akong lakas. Kasi nung gabing 'yun, ang lakas ko ay nasa iba.
Niyakap naman ako ni Ashley at niyakap ko din siya pabalik. Umiiyak ako sa balikat niya at siya naman tawag ng tawag sa pangalan ko.
Ganito pala talaga kasakit magmahal? Ganito pala kasakit na matapos mo ibigay lahat, naiwan ka na wala ng natira sa'yo? Ganito pala yun? Yung gusto mong umusad pero hindi mo magawa kasi alam mo sa sarili mo na mahal mo pala talaga.
Ngayon naiintindihan ko na si Tatay kung bakit mahal niya pa rin si Mama. Binigay niya lahat. Totoong pagmamahal ang meron siya.
"Eveyrthing's a risk. Not doing anything is a risk. It's up to you."
Nanatili kami ni Ashley muna doon. Nagkwentohan kami muna at iba pa hanggang sa umuwi na.
***
Monday ng parang gumagaan na ang pakiramdam ko. Naka on na ang phone ko, naging online na ulit ako. May mga messages si Denzel kaso hindi ko binasa, time out muna ako sa kakaiyak.
Medyo na late ako ng gising kaya tinakbo ko na naman ang gate ng University sa first class ko. Bahala na ma talisod ako basta makapasok ako. Paliko na sana ako ng may humigit sa akin at bigla akong niyakap.
Gusto kong yakapin pabalik kasi na miss ko siya kaso pinigilan ko ang sarili ko.
"I missed you, Celestine" He said and kissed the top of my head.
Parang gusto ko na namang umiyak. Bwiset na luha 'to! Napakataksil!
"De-Denzel. Male-late ako" Sabi ko at pilit na kumakawala sa yakap niya.
Hanggang ngayon ba naman Tine? Hindi mo parin matanggap o mapatawad man lang? Kainis!
"Let's talk please. Let's talk about what happened. 1 week ng nagdaan, Celestine. Tama na yun. Ayaw ko ng tumagal pa. Hindi ko na alam kung makakaya ko pa kapag tumagal pa ito" Sabi niya.
Hindi na ako pumiglas sa yakap niya pero nanatili lang akong nakatayo habang yakap yakap niya. Para siyang nakayakap sa isang mannequen. Hindi gumagalaw.
"It's not easy to talk about what hurts, Denzel" I said and let my tears fell from my eyes once again. Ngayon umiiyak na ako sa bisig ni Denzel. Umiiyak ako dahil hindi sa sakit, umiiyak ako kasi alam kong talo na naman ako. Talo ako kasi napapaamo na naman ako ni Denzel. Nabibihag niya na naman ang puso ko. Ang hina hina ko talaga.
"I am broken, Denzel. Very very broken" Dagdag ko. His hug became tighter. Yung yakap na hindi ko na kayang makawala pa. Yung yakap ng isang bata na ayaw mawala ang favorite teddy bear niya.
"You're a diamond, baby. You can't be broken"
And it made me cry. So hard.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Подростковая литератураLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...