After ng lunch at konting ikot ikot sa mall, inaya niya akong pumunta sa kanila para kunin ko daw ang mga pasalubong na binigay niya.
"Andiyan Daddy mo?" Tanong ko.
"Maybe. I don't know. Why?" Para kasi ang strikto ng Dad niya. Nakita ko naman 'to ng ilang beses at ngumingiti naman pero siguro nakakatakot lang talaga ang parents? Kahit sa kay Tita Paige ganun din.
"Okay lang sa kanya na isasama mo ako sa inyo?" Tanong ko. Tumaas naman ang kilay ni Denzel.
"Why not? He will be happy dahil atlast, naging good boy na ang pogi niyang anak" Natatawang sabi nito. Natawa din ako.
"Feeler ah"
Pagdating ng bahay nila, inayos ko muna ang sarili ko. Nag spray pa ako ng pabango, nabangohan pa nga si Denzel dahil parang mallows daw ang baho nito. Siyempre, vanilla eh.
"Kuya" Tawag ni Cyril sa kanya. Naglalaro si Cyril ng football sa garden nila.
"Yow Tinay" Bati nito sa akin. I just made a face.
"Where's Mom?" Denzel asked.
"Pool area. Andiyan sina Tita Arlene kasi eh" Cyril.
"Why are you here?" Denzel.
"Uhmm. Kumakain ako dito? What do you think?" Natawa naman ako sa sagot ni Cyril. Naglahad pa ako ng kamay sa kanya at nag apir pa ito sa akin.
"Yan tayo eh!" Natatawang sabi ko.
"Tss. Buhol buholin ko kayo eh" Sabi ni Denzel at hinawakan ang kamay ko para makaalis doon. Nakasunod naman si Cyril sa likod namin.
May nagtatawanan naman, ng nakikita ko na ang pool area nila, nahiya naman tuloy ako. Andito ang Daddy niya! Pero sabi nila mabait naman ang parents nila eh, bakit nga ba ako kinakabahan?
"Good afternoon po" Bati ko. Ngumiti naman si Tita Paige at tumayo. Lumapit si Denzel sa kanya at bumeso, ganun din ginawa niya sa Tita Arlene niya at tinapik niya naman ang balikat ng Daddy niya.
"Tine! Glad you're here!" Sabi ni Tita Paige at bumeso sa akin.
Ngumiti naman ako. "Gumaganda ka lalo Tita ah" Sabi ko.
She giggled. "Ano ba yan Tine. Maliit na bagay" Natawa naman kami parehas sa sina niya. Kahit sila sa likod humagikhik na din.
"Feeler mode level 999" Sabi ni Tito Kendrick. Humarap naman si Tita Paige sa kanya.
"What did you say?" Tita Paige.
"Wala akong sinabi ah"
They're cute!
"Pasok kami muna. Bibigay ko lang kay Celestine ang mga binili ko" Paalam ni Denzel at hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman sila sa amin.
"Leave Tine here. Off limits ang kwarto mo, anak" Sabi ni Tita Paige. Uminit naman ang pisnge ko.
I am not slow!
"I am a good boy when Celestine's around Mom" Sabay ngisi ni Denzel. Tumawa naman si Tito Kendrick sa kanya.
"Son, your Mom's a lil paranoid" Tito Ken.
"Ang sabihin mo kinokonsente mo na naman yan" Tita Paige.
"Bahala na nga kayo diyan!" Inis na sabi ni Denzel at kinaladkad pa ako.
"Denzel!" Tawag ng Mommy niya sa kanya pero patuloy lang ang paglakad nito.
"Sandali Don Denzel!" Awat ko. Pero parang wala itong naririnig.
Humakbang na ito sa hagdan nila. Humawak naman ako sa railings sa hagdan nila. Siyempre, nakakahiya talaga kapag dalhin niya ako sa kwarto niya!
BINABASA MO ANG
Love Wins
Teen FictionLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...