Chapter 17

303 8 0
                                    


"Ate just pick whatever you want. Don't be shy ah? Kuya Denz will pay the bill naman eh" Sabi ni Kennedy at ngumiti. Magkaharap kami ni Denzel sa upuan, katabi ko naman si Cyril na kaharap si Kennedy na katabi ni Denzel.

"Of course he will. Para kahit papano may makuha man lang ako sa pera na nakuha niya" Bulong ko.

"May sinasabi ka?" Tanong ni Denzel. Binaba ko naman ang menu at napatingin sa kanya.

"May narinig ka?" Tanong ko.

"Oo"

"Edi may sinabi ako! Hindi ka lang insensitive, bobo ka pa rin pala" Sabi ko at umirap. Nag tiim bagang naman iton.

Nagtanong naman si Kennedy sa kanya. Si Cyril ganun din, tanong tanong sa akin kahit hindi naman importante. Tanongin ba naman bakit daw Earth ang tawag sa Earth?

"Akala ko matalino ka?" Tanong ko sa kanya.

"Minsan bobo din ako eh" Sabi nito. Napangisi naman ako.

"Ako rin kaya. Nabobo na nga lang sa pag-ibig pa" Sabi ko. Nalaglag naman ang panga ni Cyril sa sinabi ko.

"You really want to fight, Celestine?" Tanong ng bakulaw sa harap ko. Suplado itong nakatingin sa akin. Napakaseryoso.

"Don't call it fight, when you know it's a war" I said.

His jaw clenched. "Bullshit!" Sabi nito at tumayo, hinawakan niya naman ang kamay ko at hinila ako. Kinakalas ko naman ang kamay ko pero hinihigpitan niya lang ito.

"Ano ba Denzel!" Sabi ko sabay hila ng kamay ko. Humarap naman siya sa akin.

"Will you please shut up!? Wag kang magparinig!"

"Hindi ako nagpaparinig! Natatamaan ka ba!? Well! If the shoe fits! Feel free to wear it!" Kung hindi niya lang kinakapitan ang kamay ko nag flip hair na ako kaso hindi. Sobrang higpit ang hawak niya.

"DAMN IT!" Sabi nito at napahilamos sa mukha niya. "Ba't ba na in love ako sa babaeng 'to! Bwesit!" Sabi nito at iniwan ako sa gitna.

Bakit daw siya na in love? Ano yun? Isang joke na naman!?

Matalim lang ang titig ko kay Denzel. Aasa pa ba ako na lilingon siya? Siyempre hindi na! Ayan na naman ako sa asa asa. Kung lilingon siya, papatawarin ko siya kaso---

"Hey!" Tawag ni Denzel sa akin at bumalik.

What the hell? Wala akong sinabi na papatawarin ko siya!

"An-Ano ba!" Sabi ko. Mahigpit niya namang hinawakan ang kamay ko.

"Celestine. Mag e-explain ako" Sabi niya habang naglalakad.

"2 minutes mag explain ka!"

"Not here!" Sigaw niya.

"Saan naman!?" Sigaw ko.

"Sumama ka na lang kaya" Matalim niya naman akong tiningnan. Ng tiningnan ko ang mga mata ni Denzel, yung para na hypnotize ako. His eyes. Those eyes.

Napaka pamilyar ng mga mata niya. Yung parang nakita ko na noon. Yung parang matagal na panahon ko na iyon na tingnan.

Kinausap niya naman ang driver niya. Nakatayo lang ako doon habang hawak hawak pa niya ang kamay ko.

"Baka magalit si Sir Kendrick niyan, Sir Denzel" Sabi ng driver nito.

"No he won't. Just give me the keys" Sabay lahad niya ng palad niya.

"Magagalit Daddy niyo Sir eh. Hahatid ko na lang kayo kung saan kayo pupunta tapos babalikan ko sila Sir Cyril dito"

Nag buntong hininga naman si Denzel. "Fine"

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon