"Tine!" Tawag ni Rona at Ashley sa akin. Napatingin naman ang mga empleyado ko sa kanila at ang ibang costumers.
Sa tulong ni Denzel mas napalago ko ito. Dalawa kami ni Mama ang gumagawa ng cakes and pastries, we don't allow others to interfere our work.
Busy si Denzel sa bahay daw namin sa subdivision na pagmamay-ari nila. Hindi ko inakala na ang napakalaking lot doon ay magiging amin.
"Naka order na kayo?" Tanong ko sa dalawa.
Ngumuso naman si Rona.
"Tataba ako dito" Sabi niya.
Tumawa naman kami ni Ashley sa kanya.
Kami na lang tatlo ang masyadong nakakasama, busy si Cyril pero nakikita ko naman siya kapag pumupunta ako sa mansion ng mga Ferguson.
"Hindi ka naman iiwan ng jowa mo kapag mataba ka" Natatawang sabi ko.
Umirap naman si Rona. "Anong hindi? Hello! Hindi Denzel Ferguson ang jowa ko, Tine ah! Nako! Nakadalawang boyfriend ako sa taong nakalipas, tapos kayo getting stronger pa din! Wala pa ba kayong plano sa kasal niyo?"
Tumawa naman ako. Sila ang mas excited sa akin.
"Not yet. He's busy and I am too"
"Busy my ass! Halos araw-araw rock and roll kayong dalawa ni Papa Denz tapos wala pang plano sa kasal!? Nako Tinay! Don't us!" Maarteng sabi ni Ashley. Hinampas ko naman siya, tawa naman sila ng tawa ni Rona.
Kung bakit may alam silang halos araw-araw ay hindi ko din alam. One time, hindi nakauwi si Mama dahil na imbitahan siya ng mga kaibigan niya para lumabas, kaya ako lang isa sa bahay, since si Denzel Ferguson ang boyfriend ko, suplado at seloso iyon kaya sinamahan niya ako sa bahay natulog baka daw kasi puntahan ako ni Jake at iba kong kakilala na lalaki.
Maaga iyon ng may malakas na katok sa bahay, kaya sa sobrang panic ko damit na lang ni Denzel ang sinuot ko. Nabigla nun sina Rona at Ashley ng nakita nila akong ganun ang itchura, tapos nakita nila si Denzel na lumabas ng kwarto ko na naka boxers lang. Kaya ayon! They concluded, but oh well, tama naman ang naiisip nila.
"Bastos talaga ng bungaga mo, Ashley!" Suway ko.
Umirap naman siya.
"Wag kang pa virgin ah" Sabi niya. Mas lalong natawa si Rona kaya natawa na din ako.
Halos nag kwentohan lang kami doon sa shop. Well, Rona is working on their company while Ashley's starting her business which is the clothes. Napakafashionista kasi. She offered me to be a model sa ibang damit nga niya.
"Ma'am Tine" Tawag ni Kaye sa akin, ang cashier sa shop.
Nakaupo lang ako sa gilid habang nag che-check ng mga stocks sa folder. Nilapag ko naman ang ballpen na hawak hawak ko at tiningnan si Kaye.
"May tawag po" Sabay bigay niya sa akin ng telepono. "Si Sir Denzel" Dagdag niya.
"Salamat" Sabi ko at tinanggap ang tawag.
"He---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng nag ala machine gun na naman ang bunganga ng fiance ko.
"What the hell Celestine! I am calling you nth times! Hindi ka sumasagot! Ano ba ang ginagawa mo!? May kasama ka ba diyang iba ah!? Sino ka date mo!? Hindi ka nga--"
"Oh Denzel please" Pigil ko sa kanya.
"Baby..---"
"Oo na nga, sorry na. Naka charge ang phone ko. Kakaalis lang nina Rona at Ashley, hihintayin kita dito hanggang 7pm" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Teen FictionLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...