Chapter 28

359 7 1
                                    

"Behave there, okay?" Paalala ko kay Denzel.

"Oo nga Nay. Hindi ako iinom ng marami. Kay Christian lang ako didikit. Ano pa yung bilin mo Nay?" I can imagine his irritated face here, parang gusto kong matawa.

"Check your phone din" Sabi ko.

"Yes I will. Anything?"

"Yup! Isa na lang"

"Tell me, baby"

Tumayo naman ako sa pagkakaupo at napangiti sa sasabihin ko sa kanya.

"Wag mong kalimutan na may girlfriend kang nagtitwala sa'yo dito" Sabi ko.

"Of course. Kahit hindi mo na yan ipaalala, alam ko na yan" He said.

"Good. We are clear then" Sabi ko.

"Yeah. Papasok na ako. I love you, baby. Don't chat boys when you're online, okay?"

Nag konting landian pa kami ni Denzel bago niya binaba ang tawag. 7pm at na sa kwarto na lang ako at nag scro-scroll lang sa facebook ko. Tumunog naman ang notif ko at may message si Rona doon.

Rona:

Hi Tine! May ginagawa ka? May access ako ng party ng Eng. dep! Punta tayo? Go na si Ashley, ikaw sama ka samin?

So makakasama ko si Denzel? Makikita ko siya? Wala naman akong ginagawa kaya pumayag ako. Hindi naman sumama si Cyril dahil daw hindi niya trip iyon. Kaya kaming tatlo lang. Nagpahatid naman kami sa driver nila Rona.

Hindi ko naman sinabi kay Denzel na pupunta ako. Akala niya nasa bahay lang ako. Mabuti nga 'to para ma surprise siya.

Binigay naman ni Rona ang gate pass namin kaya nakapasok kami. May iba pang nakakakilala sa amin.

May nakikita din kaming students na iba ang department. So hindi lang pala kami ang nag ge-gate crash dito.

"Hanapin mo si Denzel?" Medyo pasigaw na sabi ni Ashley dahil sa malakas ang tugtog.

"Oo! Hindi ko kaso alam kung saan!" Sagot ko.

"Tulungan ka muna namin!" Sabi pa niya. Tumango naman ako at naglakad na kaming tatlo para hanapin si Denzel.

Nakita ko naman si Christian sa isang sulok na nagtatawanan. Baka andoon si Denzel kasi puros lalaki nandoon.

"Christian!" Tawag ko. Mukhang gulat naman siyang napatingin sa akin.

"Tine!" Sabi niya sabay lapit sa amin. Bumati din siya sa mga kaibigan ko.

"Saan si Denzel?" Tanong ko.

"Nandito lang yun! Sabi niya kukuha lang kasi siya ng maiinom" Sabi ni Christian. Tumango naman ako.

"Mauna na kayo, enjoy muna kayo. Ako na lang hahanap kay Denzel" Baling ko sa mga kaibigan ko. Umiling naman sila.

"Patay kami kay Denzel nito kapag hinayaan ka namin Tine, baka magalut iyon kasi kami nag-aya sa'yo dito!" Sabi ni Rona.

Wala na rin naman akong nagawa. Hinintay muna namin ng 5 minutes si Denzel doon kung babalik na ba siya kaso wala. Nagpaalam naman kami kay Christian na aalis muna pero hindi din siya pumayag. Samahan daw niya kami.

"Saan na ba yung gagong 'yun? Baka umuwi na at pinuntahan ka? Alam ba niyang andito ka?" Tanong ni Christian sa akin. Umiling lang ako.

"Si Denzel ba yun?" Tanong ni Ashley sabay turo sa isang lalaki na may kausap na babaeng maganda, para itong modelo.

Sa likod pa lang alam kong si Denzel iyon. Lumakad naman kami palapit. Sino naman kaya kausap niya? Baka kaibigan niya? O kakilala? Ayaw ko namang mag bigay ng ibang motibo kasi nagtitiwala ako sa kanya.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon