Chapter 11

364 8 0
                                    


"Hintayin mo nga ako pagkauwi ko diyan! Sasamahan kitang mag enroll!" Inis nitong sabi sa akin.

"Hoy! Hindi tayo blockmates!" Ganti ko sa kanya.

"Bakit atat ka mag enroll!?" Kita mo to ang bipolar talaga! Suplado! Kainis!

"Masusuntok kita talaga!" Inis kong ganti sa kanya. Inirapan niya naman ako. Parang bakla!

"Kuya! Kain na daw!" Rinig kong sigaw ni Kennedy sa kabilang linya. Nag sa-skype kaming dalawa ni Denzel, hindi naman araw araw kasi namamasyal sila doon. Nakikita ko naman ang pictures nila sa FB.

"Be back" Sabi nito sabay kindat. Tumawa naman ako kaya masama niya naman akong tiningnan. Kahit na sa screen lang siya, ang suplado pa din!

"Bilis na" Sabi ko.

"Whatever. Siguro may gusto ka ng iba diyan no?" Taas kilay na tanong nito. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Answer me" Suplado na namang sabi nito.

"Wala ah" Nakangiti ko pa ring sinabi.

"Then why are you smiling?"

"Because, you sounds a jealous boyfriend kahit hindi naman kita boyfriend" Sabi ko na nakangiti pa rin. He frowned.

"Masaya ka kasi hindi mo ako boyfriend?" Sabi nito. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Kumain ka nga dun! Dami pang satsat! Bye!" Sabi ko at pinatay na ang skype.

June 1 na at enrollment na next week. Kami ni Denzel? Well, parang MU na ewan. Hindi ko alam. Pero masaya naman ako sa aming dalawa eh, hindi naman kami nagpapalitan ng I love you na dalawa, maybe in other words siguro parang I love you na rin iyon.

Nagsimula yun nung inaya niya akong mamasyal nung bago silang umalis papuntang NY or siguro simula na yun nung na sa Batangas na kami? Nag dinner kami sa labas at dinala niya ako sa baywalk para makatambay kaming dalawa since wala kaming pupuntahan.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya ng tawagin ako ni Tatay at sinabihan may bisita ako.

"Hindi ka nagre-reply" Sabi nito. Umirap naman ako.

Simula nung sa Batangas ng Sat and Sun, naging clingy na siya ulit, kinukulit na niya naman ako sa chat at text. Minsan tumatawag pa.

"Bakit nga?" Ulit ko.

"Labas tayo" Sabi niya.

"Saan naman?"

"I don't know. I will go tomorrow, almost 2 months din akong wala" Sabi niya.

Nagkibit balikat naman ako. "Edi happy trip" Sabi ko. Bumusangot naman ang mukha nito.

"Why?" I asked.

"Dense ka ba?"

"Pick up line ba yan? Oh sige bakit?" Natatawang sagot ko. Ginulo niya naman ang buhok niya at napasapo sa noo niya.

"Buset. Nagkagusto na nga lang, sa batang manhid pa!"

"Sinong bata!?" Sabi ko.

"Ikaw. Alangan namang ako!"

"17 na ako no! 2 years lang gap namin!"

"Eh ano? Nagtanong ako? Tara na nga!" Sabi nito at hinigit na lang ako pasakay ng sasakyan niya.

"Hindi ako naka-ayos, Don Denzel" Sabi ko dito. Tiningnan niya naman ako ng mabilis bago binalik ang titig sa daan.

"Wala ka namang papagandahan dun, at isa pa hindi ka naman maganda" Natatawang sabi nito. Hinampas hampas ko naman siya sa braso niya na puros muscles.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon