"Good evening po Tita Paige. Tito Ken" Bati ko. Humalik naman ako sa pisnge ni Tita Paige.
"You're blooming, Tine" Tita Paige.
"Dalaga na kaya blooming" Dagdag ni Tito Kendrick.
I am really flattered when Denzel's parents complimenting me. Siyempre lahat siguro ng babae feeling nila sila na ang dyosa kapag may sinabing maganda ang parents ng taong mahal niya.
"Lalaki ulo niyan, Mom, Dad" Natatawang sabi ni Denzel. Siniko ko naman siya.
"Ikaw talaga, Denzel. Sige na, punta na kayo sa dining area. Hintayin na lang natin ang Tito Prince niyo, Denz" Sabi ni Tita Paige.
Magkahawak kamay naman kaming pumunta ni Denzel sa hapag kainan nila. May lechon pa sila sa gitna. Madaming ulam. Nandoon na si Cyril, Kennedy at Kuya Nix ni Denzel.
"What? Nakakahiya! Ako lang ang outsider dito" Sabi ko kay Denzel. Punulupot niya naman ang kamay niya sa bewang ko.
"Bakit? Pinaramdam ko ba sa'yo na outsider ka, Celestine? Magiging pamilya mo rin naman sila. At isa pa, pakilala kita kina Lolo at Lola" Sabi niya.
Napatigil naman ako sa paglakad.
"What?" Hindi makapaniwalang tannong ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba.
"Don't worry mabait sila. It's Mom's parents. Na sa New York kasi ang pamilya ni Dad"
"Kahit na Denzel! Hindi ako handa!" Sabi ko.
Parang nagpa-panic na ako sa loob.
"You don't need to, baby."
"Baka ayaw nila sa akin" Sabi ko. Ang pessimistic ko talaga! Ganyan din ang naisip ko noon ng nakilala ko sina Tita Paige at Tito Ken.
"Why would they don't like you? Ako nga unang kita ko sa'yo minahal kita agad" Sabay ngiti niya at kindat sa akin.
Pwedeng tumambling sa kilig? Ughh Denzel Nate Ferguson!
"Hi Ate Tine!" Sabay kaway ni Kennedy sa akin ng nakita niya ako.
"Hi Kennedy!"
Tumayo naman si Kennedy doon at humalik sa akin at sa Kuya niya. Lumapit naman si Denzel sa Kuya Nix niya at tinapik niya ang balikat nun.
Nakaupo ako sa gitna ni Cyril at Denzel. Nag-uusap din naman kami ni Cyril habang si Denzel nag-uusap sila ng Kuya niya. Si Kennedy naman busy sa phone niya.
Meron ng ingay na bumalot. May isang lalaki doon na naka suit na bata ng ilang taon kina Tita at Tito at may kasama itong babae na kasing edad din siguro niya. May mga anak din silang kasama na teenagers at dalawang matatanda. Tumayo naman ang mga magkapatid, hinawakan ako ni Denzel kaya napatayo din ako.
Isa isang bumeso sina Cyril, Kennedy, Kuya Nix at Denzel sa kanila.
"Good evening po" Bati ko ng tumingin sila sa akin.
Pinagsiklop naman ni Denzel ang mga kamay naming dalawa at napatingin sila doon. Siguro sobrang pula na ng mukha ko.
"This is my girlfriend, Celestine Gomez" Ngumiti naman ako. Gumanti naman sila ng ngiti.
Pinakilala naman sila ni Denzel isa isa hanggang mga pinsan niya na anak ng Tito Prince niya.
"Kaya pala hindi ko na nakikita si Denzel sa subdivision namin kasi wala ng babae dun" Natatawang sabi ng Tito Prince niya.
Sinuway naman siya ni Tita Kiss na asawa niya.
Tinawanan lang sila ni Denzel. "Come on Tito. Ganun talaga noon kapag nag bi-binata ka na" Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Novela JuvenilLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...