"Bakit ba kasi kailangan sa bahay niyo? May kaibigan akong bading. Siya na lang mag me-make up sakin" Sabi ko kay Denzel.
True to his words nga siya. Hinintay niya ako sa last subject ko.
"Magmu-mukha kang bading" Sabi nito. Huminto naman ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Ansabe mo?" Sabi ko. Ngumisi naman ito. Ayan na naman siya. Kumakain na naman ng bubble gum, medyo messy ang buhok at kumikinang ang silver niyang hikaw. Bad boy talaga.
"Ayaw mo ng marinig ulit iyon, Celestine. I bet" Sabi nito.
"Ikaw na lalaki ka! Wala ka talagang modo!" Inis kong sabi at tumalikod na para maglakad. Lakad lang naman ng lakad ang ginawa ko hanggang sa nakarating ako sa parking lot, pero hinigit niya ako na palabas na sana ako.
"Andito sasakyan ko" Sabi nito at higit higit ako.
"Nagtanong ba ako!?" Inis kong sigaw sa kanya.
"Bitawan mo nga ako!" Dagdag ko. May mga tumitingin naman sa amin. May iba pang tumatawag sa kanya tapos tatanguan niya lang. Edi siya na!
"Denzel ano ba!" Sabi ko. Binitawan niya naman ako at sinandal sa kotse niya.
Matalim naman niya akong tiningnan. Napalunok naman ako. Damn, those eyes.
"Isa na lang, Celestine. Mahahalikan na kita" Banta nito. Tinikom ko naman ang bibig ko.
Hinding hindi ko ikakawala ang first kiss ko sa lalaking 'to!
***
Pagdating namin ng bahay nila. I mean, mansion nila, hindi pa din kami nag-iimikan. Hindi naman ako nagsasalita at ganun din siya. Sabi nga ni Cyril, hindi daw ito palasita minsan. Magsasalita lang daw yan kung trip niyang mang-asar.
"Good afternoon po" Bati ko sa Mommy ni Denzel na bumaba ng hagdan nila. Siyempre, sa kaka-stalk ko ba naman sa girl crush kong si Stacey Ferguson ay hindi ko 'to makikilala? At si Cyril kasi napo-post din ng pics nila kaya nakikita ko sa feeds ko.
"Good afternoon hija. You visit!" She said. Lumapit naman si Denzel sa kanya at humalik sa pisnge nito.
"Ah. Uh. Ano po kasi, sinama ako ni Don Denzel.. I mean Denzel" Sabi ko. Humagikhik naman si Tita Paige. Naks! Nakiki-tita.
"Where's Ate Mom?" Baling ni Denzel.
"Upstairs. Akyatin mo na lang" Sabi ni Tita Paige. Sige Tine, i-career natin yan.
"Tine right?" Tanong nito sa akin. Tumango naman ako. "Upo ka muna. Anong miryenda ang gusto mo?" Dagdag nito.
"Nako Tita, wag na po. Busog pa po ako" Nahihiyang sabi ko.
"Tss" Sinamaan ko naman ng tingin si Denzel at ganun din siya. Problema nito!?
"Tatawagin ko si Ate muna. Wag kang lalabas ah! Hahalikan na talaga kita" Seryosong sabi nito. Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya. Sarap hampasin! Sarap bugbugin! Kung wala lang yung Mommy niya sa harap namin nakatikim nato sakin!
"Oh Denzel, my Denzel" Sabay tawa ni Tita Paige. Ako naman nanatiling laglag ang panga sa sinabi niya.
"Celestine" Tawag ni Denzel.
"O-Oo nga!" Sabi ko. Ngumisi naman siya at tumango.
Umakyat naman ito sa itaas nila. Tumikhim naman si Tita kaya napatingin ako sa kanya.
"My son's a little pervert eh?"
"Ha? Ah. T-Trip niya lang po yan" Sabi ko.
Ngumiti naman ito sa akin at iginaya akong makaupo. Umupo naman ako sa gilid at ganun din siya.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Novela JuvenilLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...