Chapter 10

354 9 0
                                    

Pagkatapos naming kumain, bumalik kami sa suites namin para maglinis ng katawan. 8pm kasi dapat na sa labas kami lahat para maglaro. Ano pa ba ang sikat na laro ng lahat? Truth or dare of course.

Nagsuot nama ako ng floral na crop top at high waist na shorts, pinaresan ko iyon ng jacket ni Denzel. Bakit ba? Gusto ko eh.

"I look okay na ba?" Tanong ni Rona sa akin. Tumango naman ako at ng thumbs up sa kanya.

"Tsk, hindi kami nagkausap eh, well anyways, napo-pogian lang naman ako sa kanya. Just crush, wala akong pag-asa dun eh" Sabi nito at tinali ang buhok niya.

Napakagat naman ako sa labi ko.

Lumabas naman kami at pumunta kung nasaan sina Ate Stacey, Pidz, Cyril, Aldrin at Denzel. Naghahanda naman sila doon. Nakaupo sa buhangin si Denzel at may bote ng alak siya sa gilid niya, ganoon din sila, nakaupo sa tabi ni Denzel si Ate Stacey na nakahiga ang ulo niya sa balikat ni Denzel. Siguro kung ibang tao, iisiping mag jowa sila.

Ng nakita kami ni Ate Stacey, kumaway naman ito sa amin.

"Tine! Dito ka!" Sabi niya at tumayo. Tinapik niya naman ang pwesto niya kung saan katabi si Denzel.

"Girl bilis na!" Sabi ni Pidz. Tumango naman ako at umupo doon, sa tabi ko naman si Pidz at sa tabi nito si Ate Stacey. Sa right side ni Denzel ay nandoon si Rona, katabi din si Ashley. Nakacircle kami, katabi ni Ashley si Cyril, na katabi si Aldrin, Arla, Kennedy at kay Ate Stacey na ulit.

"Ay excited na talaga ako!" Sabay palakpak ni Pidz. "Truth or dare or drink na!" Sabi pa niya. Siniko ko naman siya.

"Wag malandi" Sabi ko.

"Kanina ka pa ah! Papa Denz, patahimikin mo nga!" Baling nito kay Denzel. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Sige na Madam, simulan mo na" Sabi nito kay Ate Stacey.

"So I know familiar naman kayo dito, we will just do this for fun lang naman eh. Truth and dare or drink, you know the rules na guys, we're not innocent here right" Natatawang sabi niya.

"Hey Ate, how about Kennedy?" Tanong ni Cyril.

"Kuya I will answer naman---"

"I will take her drinks. No worries" Sabi ni Denzel.

Neks nemen.

Nagsimula naman kami lahat. Truth and dare dapat walang pilian sa dalawa, tatanongin ka ng truth muna bago ang dare, kapag hindi mo nagawa, ay iinom ka. Yan lang ang sabi nila.

Kung si sino ang matatamaan ng top ng bote ay siya ang tatanongin, kung si sino ang natamaan sa dulo ay siya ang magtatanong.

Unang tumama iyon kay Kennedy, at si Cyril ang magtatanong.

"Okay baby girl. Sino ang paborito mong kapatid?" Natatawang tanong ni Cyril.

"What a question lil bro" "Tss" Reklamo ng dalawang kapatid.

"Hmm. I think I like Kuya Denz for now" Sabi ni Kennedy.

"For now? Really?" Tanong ni Denzel dito. Tumawa naman sila sa pagiging sarkastiko nito.

"Yes because you're changing now! No girls, no parties. I love you even more for that!" Sabi ng kapatid.

Really? No girls?

Tumawa naman si Ate Stacey at nag apir kay Kennedy.

"Dare na Kuya Cy" Sabi ni Kennedy. Nag-isip naman si Cyril.

"Do tumbling na lang" Sabi ni Cyril. Tumayo naman si Kennedy at nag tumbling doon.

Si Pidz, Arla at Ate Stacey pa lang ang nakainom ng shots dahil ang utos kay Pidz ay halikan ang babaeng dadaan, ayun umayaw kaagad. Kay Arla naman ay sasayawan niya kapag may dumang lalaki, si Denzel lang naman ang nag dare sa kanya, at kay Ate Stacey naman ay inutos ni Aldrin sa kanya ay idelete ang mga pictures niya sa DSLR niya, ayun mabilis umayaw. Halos tawa ng tawa si Denzel at inasar asar ang kapatid. Lakas pala talaga niyang mang-asar. Hindi lang pala suplado.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon