Ilang linggo ang nagdaan at prelim na namin. Halos nag sunog ako ng kilay sa kaka-aral. Hindi ko binubuksan ang cellphone ko. Ibinalik ko na ang cellphone ni Denzel sa kanya. Baka kasi lalo akong ma distract.
12am na at hindi pa ako matapos sa pag-aaral ko.
"Ughhh" Sabi ko sabay gulo sa buhok ko. Last page na, sobrang pagod na ng isip ko. Kinapa ko ang phone ko para ma itext muna si Denzel. Kanina pa kasi siya text ng text.
Denzel:
Kumain ka na diyan.
Hey baby, eat dinner now. Sabi ni Tito Arnold, hindi ka pa lumabas ng kwarto mo.
You're being stubborn.
Don't study too much. Your brain will overused.
I am done studying here. How about you there?
Text me when you're done. Hihintayin kita matapos diyan.
I am chilling with Cyril here. Text me okay? I love you so much.
Nag reply naman ako sa kanya.
Time out muna ako. Isang topic na lang tapos na ako. Matulog ka na diyan. I love you!
Nag appear naman sa screen ko na tumatawag siya kaya sinagot ko naman iyon.
"Finish it, baby" Damn husky voice.
"Malapit na. Matulog ka na diyan" Sabi ko.
"Yeah. Nasa kwarto na ako. Taposin mo na diyan"
"Oo. Lalabas ako ng kwarto, nagugutom ulit ako" Reklamo ko.
"What do you want to eat?"
"Kung ano ang nasa loob ng ref" Sabi ko at hinanap ang tsinelas ko at sinuot iyon.
"Tell me. Mag te-take out ako. Dadalhan kita diyan" Sabi niya. Natigil naman ako sa paglakad sa sinabi niya at tiningna ang orasan.
"Hello umaga na po. Matulog ka na lang diyan. Magkikita naman tayo mamaya"
"5 minutes. Hintayin mo ako diyan. Dadalhan kita. Ibibigay ko lang, hindi ako magtatagal para makatulog ka na din. I love you"
"Denz--*toot toot*"
Halos flinood ko si Denzel ng text na huwag ng pumunta dahil hindi ako lalabas kaso hindi niya ako sinasagot.
Na sa sala naman ako at hinihintay siya. I know him! Alam kong pupunta talaga siya.
Bumusena ang sasakyan niya sa labas kaya dali dali naman akong lumabas. Lumabas din si Denzel ng sasakyan niya. Naka hoodie ito at shorts at may dala dalang pagkain.
"Sabi ko diba wag na" Sabi ko habang lumalakad palapit sa kanya. Ngumisi naman siya.
Ang pogi talaga ng boyfriend ko. Sarap halikan at ilagay sa bulsa.
"Gusto kasi kitang masilayan. Wala na akong maisip na paraan" Natatawang sabi niya. Inirapan ko naman siya.
"Pasok ka. Sabayan mo ako sa pagkain" Anyaya ko. Umiling naman siya.
"Kapag manatili pa ako. Hindi ka na makakapag-aral at dapat matulog ka na pagkatapos mong kumain" Sabi niya.
Ngumuso naman ako. Hinilamos niya naman ang isang kamay niya sa mukha ko at niyakap niya ako gamit ng isang kamay niya, yumakap naman ako sa kanya.
"Kahit 30 minutes lang? Na miss kita. Dalawang araw tayo hindi nagkasama" Sabi ko.
"30 minutes? Hindi pwedeng 1 hour?" Tumawa naman ako sa sagot niya.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Roman pour AdolescentsLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...