Nagsimula ang klase at masaya naman ito. Pero mas naging busy, mas naging madami ang gawain. Kakaisang buwan pa lang at maka demand naman ang prof namin hindi basta basta.
"Ako'y na i-istress na" Sabi ni Ashley sabay upo sa harap namin ni Cyril.
May tatlong quizzes kasi kami na sunod sunod. Kakatapos lang ng isa, may isang oras na vacant kami tapos iisang quiz naman ang sunod.
"Hindi ako naka-aral kagabi eh" Sabi naman ni Rona. Napatingin naman ito sa akin. "Ikaw! Na sa party ka rin kagabi pero bakit parang hindi ka puyat?" Tanong nito.
"Party?" Tanong ko.
Ano yun? May clone ako? Ang original na ako ay na sa bahay at nag-aaral tapos ang isa nagpa-party?
Tumango naman si Rona. "Oo kaya! Hindi na lang kita tinext kasi baka nag mo-moment kayo ni Papa Denzel" Sabay hagikhik nito. Tumaas naman ang kilay ko.
"Huh?" Tanong ko. Umirap naman si Rona.
"Friend. Kagabi. Nakita ko si Papa Denz sa party, wet and wild party iyon sa isang clubhouse. Naka board shorts lang siya at kumuha ng drinks malapit kung nasaan kami. Tinawag ko siya para hanapin ka para magkasabay tayo kasi na bo-bored na ako. Kaso hindi ako narinig, kaya sinundan ko na lang siya ng nakarating siya sa pool, umupo siya sa gilid tapos may babaeng binigyan ng drinks. For sure ikaw iyon! Naks! Sweet ah. Nag P-PDA na" Sabi nito na nakangiti pa.
Parang naramdaman ko namana ng pag unting unting pagwasak ng puso ko.
"What? Hindi ako umalis kagabi" Mahina kong sabi. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Rona, nagkatinginan naman sila ni Ashley at napatingin sa akin.
"Uhm.. Kain tayo" Aya ni Cyril sa gilid.
"Gusto ko yan. Tara---"
"Sandali nga lang" Sabi ko. Kinagat naman ni Rona ang lower lip niya.
"Tine" Tawag nito.
"Sabihin mo nga. Ano nakita mo kagabi" Sabi ko.
Kamusta kami ni Denzel? Ganun pa din naman. Walang label pero masaya! Walang relasyon pero parang kami.
"Wa-Wala yun Tine--"
"Rona" Pagbabanta ko.
"Tine.. Si Kuya na lang kausapin mo" Sabay hawak ni Cyril sa kamay ko.
Yeah right!
Padabog akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko sa mesa.
"Tine!" Sabay nilang sigaw na tatlo.
What the hell? Kaya pala hindi nanliligaw kasi landi lang ang balak sa akin!
Kagabi tinanong ko pa siya kung ano ginagawa niya, sabi niya na sa bahay lang daw siya nila. Nag swi-swimming daw sila ng Kuya Nix niya sa pool! Ba't hindi ako na inform na chix pala ang Kuya niya!?
Mabilis akong umakyat papunta sa building nila. Alam kong kakatapos lang ngayon ng isang subject niya.
"Tine!" Hila ni Cyril sa akin.
"Ano ba Cy! Bitawan mo nga muna ako. Tatanongin ko lang naman kapatid mo" Sabi ko sabay higit ng kamay ko sa kanya.
"Tine naman. Wag ngayon. Mainit ulo nun. Hindi sa pinagtatakpan ko siya pero wag ngayon" Sabi ni Cyril.
Mainit din ang ulo ko!
"Tine ano ba!" Sabay hila na naman niya.
May mga naglalabasan na sa room nina Denzel, tumabi naman si Cyril at hinigit ako. Nakatingin lang ang mga mata ko sa pinto. Ng lumabas doon si Denzel, seryoso lang ang mukha nito. May mga tumatapik pa sa balikat niya at nagpapaalam sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Fiksi RemajaLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...