"Happy birthday Tine!" Sigaw na nagpagising sa diwa ko.
Lumaki naman ang ngiti ko ng nakita ko si Tatay na may hawak hawak ng cake at may 18 na number na kandila doon, si Pidz at ang pamilya niya.
"Since debut mo, sa'yo na muna ang korona!" Sabi ni Pidz sabay kuha ng korona sa ulo at nilagay sa akin. Nakaupo ako sa kama ko at nakangiti sa kanila.
"Make a wish na Tine" Sabi ng Papa ni Pidz.
Ano pa ba yung mahihiling ko? Masaya nangaman ako kahit si Tatay lang ang nagsilbing magulang ko, masaya na ako sa mga kaibigan ko, at kay Denzel. Kontento na ako sa meron ako. Everything falling down on it's proper places. Mamaya sasagutin ko na si Denzel. Ito lang naman ang hinihintay ko, na maging legal na ang edad ko.
I-bless niyo na lang po Lord si Tatay. Bigyan niyo siya ng lakas at makaya niya yung problema na hinaharap niya. Kunin niyo na sa kanya ang sakit na binigay ni Mama sa kanya. Kahit po wala na po akong wish sa sarili ko, basta masaya lang yung mga tao na nasa paligid ko at ang mga taong mahal ko, masaya na din ako.
Hinipan ko naman yung kandila at pumalakpak naman si Pidz at yumakap sa akin.
Lumabas naman kami ng kwarto at sabay na nag-almusal sa labas. Almusal talaga siya tapos may cake lang. Mamaya pa kasi mag pe-prepare si Tatay ng haponan. Sabi ko nga hindi na kailangan, kasi gastos lang yung madaming order pero sabi niya may tumutulong naman daw sa kanya at minsan lang daw ito.
Para sa akin kasi, hindi naman kailangan ng party kapag 18 ka eh, kapag debut mo na. Kasi para sa akin, ang pera na pang isang gabi lang, maibabayad mo na yan sa tuition mo at maibili ng importanteng bagay. Oo, may memories nga, pero ang mga tao ba na inimbita mo? Maalala ba nila yan? Hindi diba? Kaya mas mabuti pa na simpleng celebration lang at hindi na kailangan ng engrandeng handaan.
Noong bata ako, gusto ko mag debut kaso nung lumaki ako nalaman ko na ang mga importanteng unahin muna. Kapag andito siguro si Mama, for sure, ipilit niya na namang mag debut ako para may maisabi na naman siya sa mga kaibigan niya. Ayaw ko ng nagpapanggap. I really hate those kind of people.
"Tito Arnold, pwedeng mag take out ng cake?" Sabay hagikhik ni Pidz.
"Oo naman. Gawan din kita sa birthday mo" Sabi ni Tatay.
Nakakamiss pala yung mga cakes and pastries ni Tatay, kaso ngayon hindi na niya masyadong nagawa kasi wala na kaming equipments.
Hindi ko nga alam paano niya ulit nagawa 'to.
***
"Happy birthday Tineee!!" Isang nakakarinding sigaw nina Ashley at Rona. Kaya pala text ng text kanina kung nasaan na ako.
Sinalubong nila ako ng yakap na dalawa.
"Salamat" Sabi ko.
"Here's my gift!" Sabi ni Rona sabay lahad ng pulang box na hindi naman ganun kalaki.
"Nag-abala ka pa" Sabi ko.
"Ito naman sa akin" Sabi naman ni Ashley sabay bigay ng mga paper bags.
"Salamat sa inyo! Pero sana wala na lang" Sabi ko.
I am lucky for having a friends like them. Noon, nakalimutan ko yung baon ko, 20 pesos lang talaga yung pera ko, hindi ko alam ang gagawin ko tapos si Denzel nauna ang pasok sa akin kaya hindi niya ako nasundo at hindi din kami sabay kumain dahil may ginagawa siya. Hindi ko naman sinabi sa kanya na wala akong baon, ayaw kong gumagastos si Denzel sa akin.
To the rescue silang dalawa. Sinabi ko sa kanila, halos sagot nila yung lunch ko at yung ibang bayarin sa photocopy sa ibang handouts.
"Tinay!" Bumaling naman kami sa isang lalaki na pumasok at may dala-dalang bulaklak. Napangiti naman ako kay Cyril.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Novela JuvenilLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...