"Atlast!" Sabi ni Rona ng natapos na ang hell week sa amin.
Halos na bunutan din ako ng tinik dahil atlast! Tapos na talaga. Makakatulog na ako ng mahimbing.
"Saan tayo maglu-lunch?" Tanong ko sa kanila. Hindi kasi kami magkakasama ni Denzel. Mas nauna ang exam ko sa kanya. 11:30 na at mamayang 1:30 ang exam ni Denzel kaya hindi kami magkakasamang dalawa. Kaya sasama ako sa mga kaibigan ko para mag lunch.
"Sa mall na lang tayo" Anyaya ni Cyril.
"Oo! Shopping kaagad! Stress reliever!" Sabi ni Ashley. Nag agree naman si Rona sa kanya.
Tinext ko naman si Denzel na tapos na ang exam ko.
Me:
Kakain kami ng lunch. 4pm na lang tayo magkikita mamaya ah? Babalik na lang akong University, papadrop lang ako kay Cyril mamaya.
Mabilis namang nag reply si Denzel sa akin.
Denzel:
Early than four baby. I'll finish my exam fast para magkasama na kaagad tayo. I love you. Take care. I'll text Cy na samahan ka muna habang wala ako.
Halos nag kwentohan lang kami about sa exam hanggang sa nakarating kami sa mall. Naghanap kaagad kami ng makakainan.
"Sobrang gutom na talaga ako" Reklamo ni Rona.
"Hanggang anong oras tayo dito?" Tanong ko habang hinihintay ang order namin.
"Anytime. Wala namang lakad eh. Ikaw ba?" Ashley.
"Ewan. Hihintayin ko lang text ni Denzel"
Akala ko pagkatapos ng gabing yun sa amin ni Denzel, magiging awkward. Hindi pala. Mas lalo ko siyang minahal at ayaw na ayaw ko siyang mawala. Tapos siya naman, mas dumoble ang pag alaga at pagiging sweet niya sa akin. Kaya parang oras oras kinikilig na lang ako.
"Meron pa lang event ang Engineering department next week?" Sabi ni Rona sabay tingin sa amin at pabalik sa phone niya.
"Really? Kailan?" Tanong ni Ashley.
"Next week nga. Binge lang?" Sabay irap ni Rona. Binatokan naman siya ni Ashley. Humagikhik lang kami ni Cyril sa kanila.
"Anong date?" Ashley.
"Saturday next week" Rona.
"Mabuti pa yung event nila, may date" Sabay nguso ni Ashley. Tumawa naman kaming tatlo sa kanya.
"Hugot ah? Ang lalim!" Natatawang sabi ko.
"Beh sa'yo ko nakukuha mga hugot ko" Balik niya sa akin. Nag kibit balikat naman ako.
Ang hilig ko kasi minsan humugot. Minsan nga binabatokan ako ni Rona dahil daw maganda naman ang lovelife ko pero humuhugot ako.
"Is that Zayn Burgos?" Tanong ni Ashley sabay nguso sa bukana ng pinagkakainan namin. Lumingon naman ako doon at humarap si Rona. Si Cyril hindi naman tumingin, siyempre lalaki siya hindi niya hilig makichismis.
"Yeah. Zayn Burgos of College of Arts. Why?" Rona.
"Diba girlfriend niya yan?" Tanong ni Ashley.
Kilala ko si Zayn Burgos dahil kaibigan din siya ni Denzel. Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala kasi parang fuck boy si Zayn at ganun din noon si Denzel kaya siguro close sila.
"Oo, sa ibang University yan eh pero high school sweethearts sila pero college na lang ng naging sila. I think 3 years na sila?" Saad ni Rona.
"How did you know that Ron? Are you a stalker? You're creeping me out" Sulpot ni Cyril. Tumawa naman kami ni Ashley. Umirap naman si Rona.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Teen FictionLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...