Chapter 37

344 9 0
                                    

Tine.

Isang linggo ang nagdaan at naninibago pa din ako. Walang gumigising sa akin kapag may pasok, walang naghahanda ng almusal.

Sa isang linggo din, palagi kong nakikita si Mama sa bahay pero hindi kami nag-uusap. Hindi ko pa siya kayang kausapin. Sabi ko bigyan niya ako ng araw, binigay niya. Kaya siguro ngayon handa na ako.

"Drive thru tayo" Sabi ni Denzel ng sinundo niya ako. Tumango naman ako sa kanya.

"Do you have quizzes?" He asked. I shook my head.

Ngumuso naman ako. "Hanap tayo ng dorm mamaya" Sabi ko.

Tiningnan niya naman ako.

"Sa bahay ka na lang. Pwede ka doon. Hindi mo na kailangan mag bayad, tumabi ka lang sakin" Natatawang sabi niya. Hinampas ko naman siya sa braso niya.

"Tumigil ka nga" Sabi ko.

Madaming offer na binigay ang pamilya ni Denzel sa akin. Alam ko naman na si Denzel ang may kagagawan eh.

Ang scholarship. Ang pag wo-working student. Ang allowance. Lahat lahat alam kong galing sa kanya dinadaan niya lang sa mga magulang niya.

Nag drive thru nga kaming dalawa.

Minsan sa bahay natutulog si Denzel kapag natatakot ako. Hindi kasi ako makatulog minsan kapag nag-iisa ako sa bahay.

Sinusubuan ko naman si Denzel ng fries habang nag da-drive siya.

"We will have dinner later" Sabi niya.

"Sure. Saan?" Tanong ko. "Sa bahay niyo?" Nasanay na akong sa bahay nila kapag iniimbita niya ako ng dinner. Palagi akong iniimbita ni Tita Paige. Minsan kapag wala akong pasok pinapapunta niya ako doon.

"Yeah. Sabay na tayong pumunta"

Hinatid ako ni Denzel sa klase ko. Ganun pa din ang routine naming dalawa.

Malamig ngayon, malapit na ang pasko. Unang pasko na hindi ko makakasama si Tatay.

Mabilis na tapos ang araw. Sa labas ako ng classroom hinintay ni Denzel, nag-uusap lang kami habang papunta sa bahay nila.

Binati kami ng mga maids nila. Pinapagalitan ko si Denzel kapag nagiging suplado siya sa ibang tao. Minsan snob eh, kahit sa school. Merong isang student na nag su-survey siguro para sa activity nila. Hindi niya pinansin.

"Good evening po--" Nabitin sa ere ang pagbati ko kina Tita Paige ng nakita ko si Mama doon nakaupo.

Tiningnan ko naman si Denzel, hinawakan niya naman ako sa kamay.

"Tine.." Tawag ni Mama.

Pabalik balik ang tingin ko sa kanila. Halos hindi ako makapagsalita.

Hindi na ako nagsalita pa. Kumain na lang kami doon. Nag-uusap si Tita Paige, Tito Ken at si Mama. Hindi naman nag-iingay si Denzel. Si Kennedy at Cyril nag-uusap din ng mahina. Wala si Kuya Nix.

Halos ganun lang. Sila lang nag-uusap. Tinatanong lang ako ni Denzel kung ano kakainin ko. Nilalagyan niya lang ang plato ko.

"Baby please talk to your Mom" Bulong ni Denzel sa akin.

Kinagat ko naman ang labi ko. Handa na ba ako?

"Ma-Mamaya" Sabi ko. Tumango naman si Dezel at hinalikan ako sa sentido.

***

"Excuse me po. Mag-uusap lang kami ni... Mama" Mahinang sabi ko.

Mukhang nabigla naman si Mama. Hindi alam kung ano ang ire-react. Ngumiti naman si Tita Paige at tumango.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon