"What the hell Denzel! Dalawang araw ka ng hindi nagpapakita!" Inis kong sabi sa kanya sa telepono.
"Celestine" Tawag niya.
"Nakakainis ka na!"
Hindi naman siya sumagot sa kabilang linya.
Friday na ngayon at uuwi na mga relatives namin ni Tatay mamayang gabi. Naghahanda ng kainan ang mga magulang ni Pidz. Hindi pumasok si Pidz sa school niya para makatulong din.
May misa mamayang gabi tapos may konting kainan. 5pm pa lang at andito na si Tita Paige kasama si Kennedy.
"Bahala ka nga diyan!" Sigaw ko sa telepono at binaba ang tawag. Magsasalita pa sana si Denzel ng pinatay ko na.
Ang bilis kong magalit ngayon. Pumapatong patong ang lahat ng iniisip ko kaya nabubuntong ko lahat sa kanya.
***
6pm ng dumating si Denzel. Hindi ko inaasahan ang pagdating niya. Pagod na pagod ang mukha nito. Siguro busy din siya sa school.
Lumapit naman siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Hindi ko naman siya pinansin. Napatingin naman si Tita Paige sa amin.
"Excuse me" Paalam ko kay Denzel at lumabas.
Isa isa kong kinamusta at niyakap mga Tito at Tita ko. Iyak din sila ng iyak sa kabaong ni Tatay, ang pinsan nila.
Natapos ang misa at kumakain na ang lahat. Nag-uusap na ang mga Tita ko at si Tita Paige. Nagpasalamat ang mga Tito ko sa pamilya ni Pidz sa tulong nila.
"Baby.." Tawag ni Denzel sa akin at hinawakan ako sa braso. Tiningnan ko naman siya.
"Labas tayo" Malamig kong sabi at nauna ng lumabas sa kanya.
Nakatayo kami hindi kalayuan sa bahay. Sinuot ko naman ang jacket na binigay niya sa akin.
"Hey. What's the problem?" Tanong niya.
"Hindi mo na ako pinapaalam ng mga lakad mo"
"Celestine, ang dami mong iniisip. Ayaw kong dumagdag" Sabi niya. Tiningnan ko naman siya. Nakayuko siya ng bahagya sa akin para ma tingnan din ako.
Mataas si Denzel sa akin. Malaki din siya. Kitang kita ang kakisigan niya sa polo shirt niyang suot suot.
"Denzel kailangan kita sa tabi ko" Sabi ko.
I sound selfish.
Napaawang naman ang bibig ni Denzel sa sinabi ko.
"Yun lang naman hinihingi ko. Wala akong masasandalan. Ikaw lang" Dagdag ko.
Napapikit naman si Denzel ang nagmura ng malutong sa wikang Ingles.
"Baby.. I have something to do too. I was torn too. God knows how I finish all the dues to come over here and check on you.. I am always texting Pidz's parents to check on you when I am not around. Sorry if I can't be here 24/7 for you, but I am always checking you when I am done, Celestine"
"Importante pa sa akin, Denzel? Sinabi nila sa akin na nakita ka nila na nakatambay kahapon nung vacant mo. Hindi naman malayo ang bahay namin sa University ah!"
"I am tired" Mahinang sabi niya.
Pinunasan ko naman ang luha na tumutulo sa mga mata ko. Nakakainis! Hindi ko alam bakit nagkakaganito! Pwede time out muna sa kakaiyak!?
"I am tired too Denzel" Sabi ko at yumuko. Halos nag-unahan ang mga luha ko sa paglabas sa mga mata ko. Hindi naman gumagalaw si Denzel sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Teen FictionLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...