"Papa Denzyyy!" Nakakarinding sigaw ang binigay ni Pidz ng nakita niya si Denzel. Tatakbo na sana ito ng higitin ko ang damit niya.
"Tine ano ba" Sabi nito.
"Mauuna ako. Mamaya ka na" Sabi ko sa kanya at inismiran siya.
Lumapit naman ako kay Denzel na nakangiti.
"Walang hug?" Sabi nito na nakangisi.
"Ikaw na lang mag hug. Ikaw naman kasi ang may nami-miss eh" Sabi ko at binelatan siya.
"Yeah right" Sabay tango niya at hinigit ako para yakapin. I smiled and hugged him back.
"So pwede na ako?" Epal ng isang malanding bakla sa gilid namin.
"Ano ka ba" Sabi ko dito habang nakayakap pa rin kay Denzel.
"Echosera! Echapwera na ang beauty ketch!" Sabi pa nito sabay hawi ng bangs niya.
"Tara na nga" Aya ko kay Denzel.
Sasamahan niya kasi akong mag-enroll, isasama namin si Pidz, well hindi naman isasama, idadaan namin siya sa University nila dahil mag e-enroll din siya.
"Nasaan na si Cyril?" Tanong ko.
"Nauna na dun, sinamahan na si Kennedy" Napatango naman ako. Ang bilis lang! Second year college na ako.
Habang na sa biyahe, tanong naman ng tanong si Pidz tungkol sa vacation nila Denzel. Dinaig pa ako.
"Papa Denz, sabihan mo nga ang brother mo na i-accept ang request kos a FB!" Sabi pa nito.
"Kuya Nix?"
"Oo! Name pa lang ang serep serep ne" Sabi nito. Bumaling naman ako sa kanya at hinampas siya sa tuhod niya.
"Landi talaga!" Sabi ko dito.
"Pwe! Don't me! Pasalamat ka at nakakatimpi pa ako! Kung hindi si Papa Denz ang aagawin ko!" Banta nito.
"Subukan mo!" Sabi ko dito.
"Sabi ko nga. Kay Baby Nix o Baby Cyril na lang. Pwede din si Daddy Ken nila" Sabay hagikhik nito. Malakas na tumawa naman si Denzel.
"Yuck Pidyong!" Sabi ko dito.
"You not like it if my Mom will pull all your hair, Pidz" Sabi ni Denzel.
"Ay, suplada si Mommy?" Pidz.
"Maka Mommy ka ah! Nanay mo? Nanay?" Sarkastiko kong sabi dito.
"Don't worry, we will have a family dinner next week. Uuwi kasi mga grandparents namin. Isasama ko kayo. You will see Kuya Nix there, Pidz" Sabi ni Denzel.
Pumalakpak naman si Pidz. "Gusto ko yan! Gusto ko yan! Any relatives pa ba?" Sabi nito.
"MALANDING BAKLA! HALA SIGE! BABA NA!" Sabi ko dito ng napark na ni Denzel ang sasakyan niya sa University nina Pidz.
"Ikaw Celestine Marie ah! Sinasabi ko talaga sa'yo! Kapag ako pinakasalan ng Baby Nix ko! Hinding hindi ka welcome sa family Ferguson!" Sabi nito sa akin sabay turo pa sa akin. Malakas na tumawa naman kami ni Denzel. Hinawakan ko naman ang daliri ni Pidz na nakaturo sa akin at tiningnan siya.
"Alam mo ba tawag diyan?" Tanong ko dito.
"Ano?"
"Imagination! Asa ka pa na papatulan ka nun!" Sabi ko dito. Inirapan niya naman ako at lumapit sa akin para makapagbeso.
"Babush na nga! Mamaya na kita sasabunotan kapag wala na si Papa Denz!" Sabi nito. Tumawa naman ako sa kanya.
Parang kapatid ko na talaga si Pidz, yung siya ang palagi kong kasama, siya rin ang tumulong sa akin sa panahong iniwan kami ni Mama, siya ang kasama ko siya ang nagpapatawa sa akin. Ng dahil sa kanya at tulong ng magulang niya, naging okay ang bakery ulit ni Tatay. Kapag nga may celebration, like Christmas o New Year, samasama kami.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Teen FictionLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...