Chapter 2

446 12 0
                                    


Nandito naman kami ni Cyril sa gazebo ng University at may ginagawa. Chinecheck namin pareho kung pareho ba ang answer naman sa balance sheet.

"So, Tine. Sama ka sa Friday ah? Sinabihan ko si Ate na may dadalhin akong bisita" Sabi nito habang nandoon pa din ang mga mata sa balance sheet. Nakaupo lang ako sa gilid at patingin tingin sa paligid.

"Ano ka ba Cyril. Ayaw ko, nakakahiya. Wala akong regalo, hindi kami friends ng Ate mo, at sosyal siguro lahat ng bisita niyo" Sabi ko.

Ngumuso naman si Cyril at kinuha ang phone niya. Nag type naman siya doon.

Iba naman ang naging usapan namin dalawa. Nagtatawanan kami habang may tumawag sa kanya. Napatingin naman kami doon.

Then here's the bad boy Denzel Ferguson together with their super beautiful sister, Stacey Ferguson.

"Ate! Kuya!" Tawag ni Cyril sa kanila. Lumapit naman sila sa pwesto namin. Kinuha ko naman yung mga nakakakalat na papel sa gilid para makaiwas doon. Moment nila yan, iba ang level ko para makisali sa kanila. Duh, they're multimillionaires.

"Who's friend you're talking about ba?" Boses iyon ng Ate niya.

"Tine!" Tawag ni Cyril. Ngumiti naman akong humarap sa kanila. Nakita ko naman ang pag nguso ni Denzel.Okay Celestine, bakit siya yung nahagip mo?

"Ate, this is my friend. Tine Gomez. Fan mo din yan" Sabi ni Cyril. Ano ba yan Cyril! Nakakahiya. Ngumiti naman yung Ate Stacey nila, para akong nakakita ng alive barbie!

"Hi! Nice to meet you! I am Stacey Ferguson" Sabi nito at nilahad ang kamay niya. Tinanggap ko naman iyon. Ang lambot lambot!

"Tine po" She nodded.

"So my brother Cy told me that you're rejecting the invitation" Sabi nito at ngumuso.

Hilig nilang ngumuso ah!

"Hi-Hindi naman sa nireject po. I-I mean, hi-hindi mo naman ako kilala---"

"Of course. Hindi ka naman kakilakilala" Sabi ng isang lalaki sa gilid ni Ate Stacey.

"Denzel!" "Kuya!" Pareho nilang suway sa kapatid niya. Ako naman laglag jaw lang. I mean, how dare him?

Tinaas namna nito ang dalawang kamay niya. Shoulder level.

"Kuya, she's my friend" Cyril said.

"Denzel" Banta ng Ate niya sa kanya.

"What? I am stating the fact"

"Yeah! FUCKS!" Sabi ko at inirapan siya. Ngumisi naman ito at nagkibit balikat.

Fucker!

***

Nagsuot lang ako ng itim na dress na criss-cross ang nasa harap at flats na sandals. Inayos ko din yung mukha ko, salamat sa tulong ng kaibigan kong bakla na kapit bahay namin.

"Ayan sister. You look like not aswang anymore" Sabi nito at tiningnan ako. Hinampas ko naman siya.

"Manahimik ka nga Pidyong!" Suway ko.

"Hoy anong Pidyong!? Eww naman niyan. It's Phaydge na kaya. With H ah? PHHHHHHAYDGE" Sabi nito. Tumawa naman ako.

"Kahit palitan mo pa diyan ang pangalan mo! Ikaw pa rin yung Pidyong na kilala ko simula nung bata pa ako!" Sabi ko. Inirapan niya ako.

"Dami ko naman men! Unlike you! Shogal makahanap ng jowa" Sabi nito.

"Shokot akis masaktan eh" Sabi ko sabay belat sa kanya. Tumawa naman siya.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon